Nasa pangunahing kalsada na sila ng San Isidro.
May mangilan- ngilan na ring traysikel na nag-alok sa kanya ng sakay patungong hacienda, subalit pawang tinanggihan niya.
Nangako si Rafael na ihahatid sya nito at iyon ang ibig niya.
Habang nakasandal sa railing ng tulay ay tanaw na tanaw niya ang lalaki sa ibaba ng maliit na sapa.
Abala ito sa paglilinis ng sandalyas niyang nabaon sa putik kanina habang naglalakad sila.
Kung bakit kasi pag kasama niya ang lalaki ay para siyang paralisado.
Walang pakiramdam sa paligid at sa iba pang mga bagay.
Ang senses niya'y umiikot lang ata kay Rafael.
At habang pinagmamasdan ang binatang magsasaka ay hindi niya maiwasang mangiti.
Bawat kilos at galaw nito ay ngiti ang hatid sa kanyang mga labi.
Animo sya nanonood ng kanyang paboritong sitcom sa telebisyon.
Na hindi basta pwedeng may tumalon na episode.
Be wrapped up in him.
"Rada!"
Tinig na gumising sa kanyang kamalayan.
Nilingon niya ang bahaging sa pakiwari nya ay nagmula ang pagtawag.
Hindi na siya nagulat nang makitang nakahimpil roon ang itim na pick up ni Clark.
Impit siyang napaungol nang matanaw ang isang pamilyar na bulto.
Mula sa sasakyan ay mabilis na umibis si Senyora Clara.
She froze, looking at her mother as she's walking down the street.
Madilim ang mukha ng Senyora.
Sa lalim ng pagkakakunot-noo nito ay hindi maipagkakailang kakain sya ng sermon.
Medyo kinabahan sya.
Tumayo sya ng tuwid mula sa pagkakasandal sa sementong hawakan ng tulay at inayos ang sarili.
Pomorma ang isang alanganing ngiti.
Mabilis na naglakad si Clara palapit sa kanya.
"H... hi Mom... " kabado niyang bati. Agad siyang humalik sa pisngi nito kahit na dinadaga ang dibdib.
Hinagod siya nang tingin ni Clara na umarko agad ang kilay.
"Where the hell have you been?" ang agad na urirat nito.
"Kulang na lang ay halughugin namin ni Clark ang San Isidro. Ngunit ni anino mo ay kay-hirap mahagilap." anang pa ni Clara.
" Palala ng palala ang katigasan ng iyong ulo. Hindi ka pa nagkasya at pati ang kaibigan mo ay nagawa mong kasapakatin sa mga kalokohan mo.You know how your father adored Clark. At malapit na magkaibigan ang ating mga pamilya. Naiisip mo ba ang maaaring maging konsekwensiya na pwedeng mangyari kung sakaling mabunyag lahat kay Ramon ang inyong sabwatan? You're the one to blame!" ang hindi na napigilang bulyaw ni Clara sa anak.
Aray ko! lihim na bulong ni Rada.
Naisip niyang hindi nga nagbibiro ang ina sa galit nito.
Hindi na nakapagtimpi ang senyora at talagang binulyawan na sya.
Well, ano bang inaasahan niya?
Na matutuwa ang ina sa mga kasinungalingang tinahi-tahi niya?
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mystery / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...