Sa pakiramdam na pagginaw, naglakbay ang mata niya patungo kay Rafael.
Sa pagtama ng kanilang mga mata ay mas lalong gusto niyang manginig.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Kumakabog na tila tinatambol sa lakas.
Napalunok siya ng ilang beses.
Andoon na naman kasi ang pakiramdam na na-hipnotismo siya ng lalaki.
Naguguluhan siyang unuwain ang pabago-bagong emosyon at sikolohikal na kamalayan.
Naramdaman niya ang pagluwag ng mga kamay nito sa palad niya.
Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng gahiblang pagtutol.
Ang init na dulot ng mga palad nito ay mistulang nagpayanig sa mga pandama niya.
Wala pa ring pagbabago sa ekspresyon ni Rafael.
Napakapormal pa rin nito at ni hindi magawang magbigay nang kahit simpleng ngiti.
Kung saan ang pagiging seryoso ay nahalinhinan pa ng pagkunot-noo nito.
Nakamata lang kasi sya kay Rafael.
Hindi niya mai-alis ang mata sa lalaki.
Those pair is very familiar.
Ilang beses na ba siyang natitigan ng kung sino sa ganoong paraan.
Ngunit hindi niya matukoy kung saan niya nakita ang mga matang iyon.
Ehem... ang panabay na tikhim mula sa likuran ni Rada.
Lumingon ang dalagita.
Pawang nakangiti nang makahulugan sila Cathy at Bing.
Larawan ng pagka-gulilat ang dalawa.
"Baka naman gusto mo kaming ipakilala sa kanya?" tukoy ni Cathy kay Rafael, sabay ngiti sa lalaki.
"Did I hear promise a while ago?" sabad naman ni Bing na pinakadiin-diinan ang salitang promise.
Tiningnan nito si Rafael sa sa paraang nang-iintriga.
Umikot ang mga mata niya,
kitang-kita ang panunukso sa mapanuring mata ng dalawang kaibigan.
Marahan siyang bumaling kay Rafael.
"Sila Cathy at Bing mga, kaibigan ko," pakilala niya sa dalawa.
"Hello, sa wakas nagkakulay ang drawing," mabilis na lahad ni Cathy ng kamay sa lalaki.
Sa mata ay nakapagkit ang pamamangha.
Tinanggap naman agad iyon ni Rafael, maging ang kay Bing.
"Searching is over now," wika naman ni Bing na sinubukan pang magbiro at magpahiwatig.
Bahagyang kumunot muli ang noo ni Rafael.
Pansin nitong bagamat pabiro ang sinasabi ng mga kaharap ay tila naman may laman ang bawat salita ng mga ito.
"Hinahanap mo ako?" diretsa nitong tanong kay Rada na siyang ikinagulat naman ng dalagita.
Tinapunan nito ng tingin sila Cathy at Bing, na napatutop bigla ang mga bibig.
Sabay na umilap ang mata ng dalawa.
Bago manghang napatitig kay Rafael na noo'y matiim nang nakatitig sa kanya.
Hindi tuloy maiwasan ni Rada na pamulahan ng pisngi.
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mystery / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...