Psstt! Sitsit ni Carlito kay Rafael na noo'y abala sa binabasang aklat.
Nag-angat ng mukha si Rafael at lumingon sa likod nito.
Nakangisi si Carlito na nagawa pa siyang dunggulin sa braso.
"Mukhang ikaw ata ang hinahanap ni Ms. SMA," wika ni Carlito sabay nguso sa dalagitang nasa labas ng kuarto nila.
Sinundan niya ng tingin ang direksyong itinuturo ng kaklase.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Rafael nang matanaw nga roon si Rada.
Nakatayo ang dalagita malapit sa may bintana at tila may hinahanap sa bunton ng mga estudyante.
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng lalaki.
Ano ang ginagawa ni Rada sa gusali ng Agrikultura ng ganitong oras at naka-uniporme pa?
Nang sa wakas ay magsalubong ang kanilang mga tingin.
Agad na kumaway ang dalagita pagkakita sa kanya.
Awtomatikong nagplaster ang ngiti sa mga labi nito.
Agad siyang tumayo upang lapitan si Rada lalo na at sinisimulan na siyang tuksuhin ni Carlito.
Maliban sa pinagtitinginan na rin kasi ang dalagita ng mga kaklase niyang usyusero at usyusera.
"Miss Buenavista?" aniya nang makalapit.
"Hi Ralph!" bati ni Rada habang mahigpit na kinipit ang hawak na libro sa dibdib.
Animo ay doon humuhugot ng lakas ng loob.
Napansin naman ng binata na medyo hindi komportable ang dalagita dahil sa manaka-naka nitong pagsulyap sa mga kaklase niya.
"Nag-aagaw na ang dilim, wala pa ba ang iyong sundo?" aniyang gumuhit ang pag-aalala sa mukha.
Hindi agad tumugon si Rada Maya-maya ay umiling.
"Hindi pa ako lumalabas.
Ah... sinadya talaga kitang hintayin. Hindi kasi kita matyempuhan pag araw.
Ibig sana kitang makausap kahit saglit. Is it okay?" wika ni Rada sa kabadong tinig.
Saglit na natigilan si Rafael. Hindi agad nakaimik.
Hindi nito inaasahang maglalaan ng oras ang dalagita na hintayin siya at sadyain para lamang makausap.
Sa ganitong oras kung saan ay unti-unti nang lumalatag ang dilim?
Alas kuatro ang labasan ng mga junior high.
Samakatwid ay tatlong oras itong naghintay sa kanya dahil ala-siyete ng gabi naman ang pasok niya.
Nilinga niya ang loob ng kwarto. Pawang nakatuon ang pansin sa kanila ng mga kaklase.
Gusto niyang mapailing sa mga sari-saring reaksyon ng mga ito.
Mayroong nakangisi at nagbubulong-bulungan; Mayroon ding hindi talaga magkasya sa pagsulyap lang, kundi harapang inu+usisa ang dalagita.
"Ihahatid na kita sa gate, Miss Buenavista at baka kanina ka pa inaantay ng iyong sundo," ani Rafael kalangkap ang malalim na paghinga.
Bigla ay lumiwanag ang mukha ni Rada pagkarinig sa sinabi ni Rafael.
May kalayuan rin ang gate sa gusali at kakain rin ito ng kung ilang minuto.
Magkakaroon siya ng pagkakataon na makausap ang lalaki.
Bigla ay na-excite sya.
Nagpatiuna siyang humakbang ng igiya s'ya ni Rafael sa daan.
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mistério / SuspenseIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...