"You're sure are we in the right path?" anang Clark, habang mabilis na nilinga si Rada sa tabi.
"We are at the far end, brat, dagdag pa nito, habang itinuon muli ang pansin sa kalsada.
Si Rada naman ay halos magkandahaba ang leeg sa katatanaw sa labas na binuksan na ang bintana ng sasakyan.
Tama si Clark mukhang nasa dulong bahagi na nga sila ng San Isidro.
Ni hindi dumaan sa kanyang isip na may ganoong kaliblib na lugar sa bayan nila.
Kung saan ay walang ibang matatanaw kundi pawang kakahuyan at kabundukan.
At sa dako pa roon kung ipagpapatuloy pa nila ni Clark ay paanan na ng bundok.
Ang layo na nila sa kabihasnan.
Maliban kasi sa makitid na ang daan ay malubak pa. Makapal rin ang putik sa kalsada gawa ng magdamag na pag-ulan.
Kanina'y muntik pa silang mabalahaw sa medyo may kalalimang lubak na puno ng putik na sinamahan pa ng maruming tubig.
Mabuti na lamang at bihasa magmaniobra ng sasakyan ang kaibigan.
Hindi iyon nakahadlang upang marating nila ang pakay.
Mabuti na lamang din at nagpamalas ng sikat ang araw. Nakatulong kahit papaano ang magandang panahon.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Ni walang katao-tao roon. Gusto na tuloy niyang pagdudahan kung may mga residente nga ba sa bahaging ito ng Laoyon.
Ngunit hindi siya maaaaring magkamali. Sinundan at tinahak nila ang direksyong itinuro sa kanya ni Mang Kanor.
Inihinto ni Clark ang sasakyan ng makaramdam ng muling pagkabalahaw.
Marahas itong napaungol nang hindi magawang maiangat ang isang gulong.
Pinatay nito ang makina at lumabas. Sinilip ang nabalahaw na gulong.
Nakita ni Rada ang unti-unting pagsalubong ng kilay ni Clark at paglukot ng mukha nito.
Minabuti niyang bumaba na rin ng sasakyan at nilapitan ang binata.
"OMG, we're stuck!" bulalas niya.
Nabaon kasi sa putik ang unahang gulong ng pick-up nito.
"Yeah, and we have to do something. We need to find someone who could help us or else we're busted. " Turan ni Clark habang nakatitig sa gulong na lumubog sa putikan.
Napaungol naman si Rada. Tama si Clark.
Kapag hindi nila nagawan ng paraan ang pagkabalahaw ng sasakyan nito ay maaring makaabot sa senyor ang sabwatan nilang dalawa.
Liban sa malalagot siya sa daddy niya ay madadamay pa tuloy ang kaibigan. At hindi iyon ikatutuwa ng mag-asawang Zantillan.
Pag nagkataon kung mamalas-malasin ay baka isang buwan siyang grounded.
Sa naisip ay gusto niyang manlumo.
Muli niyang inikot ang tingin nang may natanaw siyang maliit na usok na nagmumula sa may paanan ng bundok.
Bigla ay nabuhayan siya ng loob.
"Clark, tingnan mo may usok sa gawi pa roon. Ibig sabihin ay may mga nakatira sa bahaging iyon ng kabundukan," wika niya sa lalaki.
Tumayo ang binata at tinanaw ang direksyong itinuturo niya.
" I'm going there, baka sakaling makahingi tayo ng tulong," paalam niya kay Clark.
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mystery / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...