Pagkaalis ng binata ay inimbitahan siya ni Aling Lourdes na pumanaog na muna sa bahay nito.
May hinanda raw itong meryenda na siguradong magugustuhan niya.
Dagdag pa nito ay paborito raw iyon ni Rafael.
Nangislap ang kanyang mata sa narinig.
Malamang ay magiging paborito nya rin kung anuman iyon.
Lahat ng interes ng lalaki ay siguradong pag-aaralan niyang magustuhan.
Nang sa ganoon ay higit na mapalapit siya kay Rafael.
Wika pa ni Lourdes na ang lalaki na ang maghahatid sa kanya sa asyenda pagkatapos nilang mag-meryenda.
Sa puntong iyon ay bigla siyang na-excite, lihim na nagdiwang ang damdamin niya sa pahayag na iyon ng babae.
Ang isiping makakasama niyang muli si Rafael ay labis na nagpasaya sa kanya. Masiglang sumunod siya kay aling Lourdes.
Pagka-akyat sa bahay ay minabuti niyang pumirme sa may balkonahe na may built in na upuang yari rin sa kawayan. Makinis ito at alaga sa barnis.
Aniya sa babae ay doon na lamang siya maghihintay. Hindi naman ito tumanggi at nakangiting tumango na lamang.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Hindi niya maiwasang mamangha sa mga naggagandahang petunia na nakabitin sa palibot ng balkonahe.
Kay presko sa mata ang maliliit nitong bulaklak na iba’t-iba ang hugis at mga kulay. Ang earthy smell ng petunia ay lumulutang sa ihip ng hangin na nanuot naman sa kanyang pang-amoy.
Tunay na nakakapukaw ng pansin.
Mapagmahal siya sa kalikasan at mahilig sa mga halaman, subalit ni minsan ay hindi nya na experience magtanim.
"Mahilig ka rin ba sa mga bulaklak, ineng?” Pukaw ni Lourdes mula sa likuran.
Palabas noon ng pinto ang babae habang tangan sa kamay ang may katamtamang kaserola.
Agad niya itong sinalubong.
“Opo, pero hindi po ako marunong magtanim." Alanganin niyang sagot na medyo nahiya.
“Tulungan ko na po kayo.” Alok niya rito.
Inabot niya ang ilang pirasong maliit na mangkok at kutsara mula kay Aling Lourdes.
"Salamat anak," sagot nito.
Sa lamesita na gawa rin sa rattan inilapag ni Lourdes ang dala.
“Simpleng meryenda lang ito pero alam kong magugustuhan mo," sulyap ng babae sa kanya na nakangiti.
Mula sa kaserola ay nasilip niya ang ginataang bilo-bilo nang tanggalan iyon ng takip.
Umuusok pa ito.
Bigla ay natakam siya ng maamoy ang mabangong aroma niyon.
Lalo na’t tumambad sa kanya ang halu-halong sangkap katulad ng binilog na bigas, kamote, saging na saba , matamis na langka at tapioca pearls. All cooked in creamy coconut milk.
"Paborito po naming meryenda iyan ni mommy, kaya madalas pong magluto niyan si Manang Yoly," tukoy niya sa kanilang mayordoma.
“Bigla po akong ginutom Aling Lourdes sa amoy pa lang po napakasarap na.” Pag-amin niya na na-excite tikman ang hinanda nitong meryenda.
Agad naman siyang ipinagsandok ni Lourdes.
Napa-wow pa si Rada nang tuluyang matikman ang ginataan pagka’t sakto lamang ang tamis niyon mukhang mapapasarap s'ya ng kain.
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mystery / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...