Naka-apat na stick na sya ng sigarilyo subalit hindi pa rin makalma si Clara.
At habang sinisindihan ang pang-lima ay hindi maiwasang manginig ng kanyang mga kamay gawa ng nadaramang tensyon.
Kasalukuyan siyang nasa terasa at balisa.
Tuluyang nagdamot ang antok sa kanya.
Mula pa kanina pagdating nila ng asyenda ay labis nang binabagabag ang kanyang isipan.
Sa kabila niyon ay pinanatili niya ang pagiging kalmado upang hindi makahalata ang asawang si Ramon.
Mabuti na lamang at maaga ring nakatulog ang lalaki dala marahil ng pagod sa maghapong paglilibot sa plantasyon.
Bilang hacendados ay sinisiguro ng Senyor na maayos ang lahat sa loob ng hacienda. Lalo na pagdating sa produksyon at operasyon sa mga pag-aaring pabrika.
At kahit na may mga mapagkakatiwalaan naman itong mga tauhan ay personal nitong minamantina ang pag- aasikaso at pamamalakad sa mga negosyong namana pa nito sa mga magulang na napalago nito triple pa sa inaasahan.
Marahas na ibinuga ni Clara ang usok mula sa hinihithit na sigarilyo. Nagsunod-sunod iyon.
Gustong manakit ng ulo nya. Subalit hindi niya matiyak kung dahil ba sa sobrang pag-iisip o sa maaring matuklasan.
Hindi pa naman sya sigurado sa kanyang kutob. Katunayan ay pilit niyang inaalis sa isipan ang posibilidad na iisa ang Lourdes na tinutukoy nila ni Rada. Subalit ay binubundol sya ng di mawaring kaba.
Naroon ang pag-ahon ng iba't-ibang emosyon sa kanyang dibdib. Ilang taon na nga ba ang lumipas mula ng huli niyang maramdaman ang ganoong pakiramdam.
Hinagis niya ang natitirang upos at nagpakawala ng Isang marahas na paghinga. Pagkatapos ay tumingala sa langit na puno ng agam-agam. Umamot ng hangin at pinuno ang dibdib na nagsisikip.
Mariin niyang pinagdaop ang talukap ng mga mata at huminga ng ubod lalim. Pilit na pinagagaan ang nagbibigat na pakiramdam.
"It can't be..." she whispered.
Umaasa siyang isang biro lamang ang pagtatagpong iyon.
Pagka't nakararamdam sya ng labis na pagkabahala.
Those eyes. So alarming...
Minsan na niyang natunghayan ang pares na mga matang iyon.
Matang bagama't kasing lamig ng yelo at bakal kung tumingin.
Ay hindi mo naman aasaming makitang nagniningas at nagliliyab sa apoy.
Pagka't hindi lamang ito nakakapaso kundi nakakatupok.
Sino nga ba si Rafael at naliligalig sya?
His presence brings a total obliteration on her. Fear flows through her veins.
"No... hindi maaari ito." aniya na umiling+iling. Siya na rin ang nagsuweto sa sarili. Baka naman nagkakamali lamang siya ng sapantaha.
"Mom you okay?" Boses ni Rada mula sa likuran.
Nagulat man sa biglang paglitaw ng dalagita ay marahan niya itong nilingon.
Bagaman madilim sa bahaging iyon ng balkonahe ay aninag ni Clara ang nababahalang ekspresyon ng anak.
Mabilis na itinago niya ang lighter at kaha ng sigarilyo.
Nakahanda na rin sa pagtulog ang dalagita suot ang paborito nitong ternong pyjamas.
Nagsimulang humakbang si Rada palapit sa kanya kaya't sinikap niyang ngumiti upang maitago ang pagkabahala.
" I'm fine honey." sagot niyang pinasigla ang tinig.
"May kailangan ka ba?" sunod niyang tanong.
Alanganin ang ngiti ay marahang tumango si Rada at tumabi sa kanya. Humilig ito sa barandilya. Pagkatapos ay pinag salikop ang mga braso payakap sa kanyang katawan.
"I feel so guilty for the terrible blunder I had made ." wika ni Rada na puno ng katapatan at larawan ng pagsisisi.
"These past few days ay lagi nalang sakit ng ulo ang dinudulot ko sainyo ni dad." dugtong pa ng dalagita.
... and you're always there, right behind me. "I'm so sorry mom." she added softly. Nilinga ang ina.
Masuyong tinitigan ni Clara ang anak. Pagkuwa'y napangiti.
Magandang senyales ang ipinapakita ni Rada. Natututo na ito mula sa sariling kamalian. Ibig sabihin ay nag ma-mature na ang dalagita. At iyon naman ang ibig niya. Hindi kasi niya maitatangging lumaking spoiled ang anak at kung minsan ay nagiging rebelde pa nga.
Inangat niya ang kanang kamay at dinala sa pisngi nito at masuyong humaplos roon.
"I'm your mother. I will justify bad things and hurtful acts to avoid you being punished or protecting you from harm. But that doesn't mean I'll let you get into your wrongdoings. I'll no longer tolerate that. Because it permits you to continue doing bad. Do you understand? " she said softly in a serious tone.
"Yes mommy... sagot niya na sinabayan ng marahang pagtango.
"O siya, malalim na ang gabi. Pumasok ka na saiyong kwarto dahil malamig at mahamog dito sa labas. Baka sipunin ka at mauwi pa saiyong pagkakasakit." pagtataboy ni Clara sa dalagita.
Tumalima naman agad si Rada. Pagkatapos humalik sa ina ay naglakad na ito pabalik sa silid nito.
Tahimik naman itong pinagmasdan ni Clara. Habang may parte ng utak niya ang nagsasabing alamin na niya ang katotohanan sa anak.
Rada...
Habol niya rito bago pa mabuksan ni Rada ang glass connecting door patungo sa kwarto nito.
Napahinto ang dalagita na naudlot sa akmang pagbubukas ng salaming pintuan. Huminto ito mismo sa bungad ng pinto at nilingon ang ina ng may pagtatanong.
Kailangang makatiyak ni Clara upang magkaroon ng kasagutan ang lahat ng katanungan na nagsasalimbayan sa isipan nito.
Once and for all ay gusto nitong matahimik.
Subalit duda ang Senyora kung ganoon nga ang mangyayari pagkatapos marinig ang isasagot ng anak.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang ginawa niya bago makailang ilang ulit na lumunok.
" Ang nanay ni Rafael... What's her name again?" Kabado niyang tanong. Umaaasang ibang pangalan ang banggitin ng anak. Na baka maaaring nagkamali lamang siya ng rinig kanina.
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Rada. Maging ang mata ay kumislap.
"Her name is Lourdes mom."
Tila batingaw na nag echo pa sa pandinig ni Clara ang isinagot ng anak. Tila may kung anong malamig na bagay na kumudlit at tumambol sa kaba ang kanyamg dibdib.
"L... Lourdes... " bulong niya sa sarili.
"And if I'm not mistaken, you two are of the same age. At sigurado po akong magugustuhan mo si Aling Lourdes mom." Rada said excitedly. Habang larawan ng kasiyahan.
-----------------------🌻
Nang masigurong nakapasok na sa silid ang dalagita at nakapinid na ang salaming pintuan nito ay mabilis niyang kinapa ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng suot na roba.
At sa nanginginig na kamay ay humugot muli ng isang stick. Naroon ang pagmamadali sa mga kilos niya.
Gustong gumitaw ng pawis niya sa noo sa mga narinig mula sa anak. . At bagaman malamig at malakas ang hangin sa labas ay gusto niyang pagpawisan.
Mabilis siyang nagsindi at dinala iyon sa bibig. Sunod-sunod na usok ang kanyang ginawa.
Kumpirmado.
Hindi na mapapasinungalingan ang katotohanang dulot ay panginginig na ngayo'y pumaparalisa sa kanyang buong pandama.“Kailan ka pa nagbalik ng San Isidro, Lourdes?” tanong niya sa sarili na puno ng katanungan at pangamba.
---Itutuloy🌻
Pls Votes!
TIA😘
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Bí ẩn / Giật gânIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...