Chapter 8

101 14 2
                                    

"Buenavista? Isa kang Buenavista?"

tanong ni Aling Lourdes na halatang nagulat at napalingon ng mabilis kay Rada.

"Oho, inay. Anak po s'ya ni Senyor Ramon kung saan ay naninilbihan si itay Kanor bilang drayber nito,' agap na sagot ni Rafael sa tanong ng ina.

Manghang napatitig si Aling Lourdes kay Rada. 

Gumuhit ang pagkagilta sa mukha nito.

Tila hindi makapaniwala.

May sumilip na lambong sa mga mata nitong nabaghan.

Subalit hindi na iyon mapapansin pagka't tila dumaan lamang.

Maya-maya rin ay unti-unting nagbago ang paraan nito ng pagtingin.

Dagling pomormal ang anyo ng babae na marahang lumapit sa dalagita at naupo sa katapat nitong taborete.

Si Rafael naman ay nanatili lamang na nakatayo sa dungawan.

Maging ito ay nabigla nang madatnan sa kanilang tahanan ang dalagita.

"Kung ganoon ay anak ka ni Clara," ang mahina, subalit siguradong sambit ni Aling Lourdes.

Tila naman na-supresa si Rada pagkarinig sa pagbanggit ni Aling Lourdes sa pangalan ng kanyang Ina.

Sumilip ang munting kislap sa mga mata nitong namilog.

"Opo, aling Lourdes, kilala niyo po pala si mommy?" balik-tanong ni Rada, na may kaakibat na ngiti sa labi.

"Wala namang hindi nakakakilala kay Clara, ang ibig kong sabihin ay sa Senyora" ang biglang bawi ni aling Lourdes.

Higit na lumalim naman ang pagkaka-ngiti ni Rada sa kaharap.

Gumaan ang loob at naging palagay sa presensiya ng babae.

"Maiba ako Ineng, maaari ba naming malaman kung saan ang iyong tungo? Batid ba ng iyong mga magulang ang paglabas mo ng hacienda?" ang magkasunod na tanong pa ni Aling Lourdes. Habang ang tinig ay kinabakasan ng agam-agam.

Saglit na nawalan ng imik si Rada. Base sa mga salitang binitawan ng kausap ay mukhang hindi lingid sa mga ito ang kinasusuungan niyang sitwasyon.

Sabagay ay maaring naikwento na siguro ni Mang Kanor.

Naglumikot ang mga mata niya bago direktang napasulyap sa gawi ni Rafael, na noo'y nakatitig lang din.

Subalit blanko at wala kang mabasang emosyon.

Why this man has an enormous impact on her even in his coldness?

Jeez!

Ibinalik niya ang tingin kay Aling Lourdes at nagpakawala ng malalim ngunit pasimpleng paghinga.

"Ang totoo po niyan ay dito po talaga ang pakay ko sa inyong tahanan," sagot niya sa magalang at mababang tono.

Hindi na naiwasan ni Aling Lourdes ang tuluyang kumunot ang noo at medyo naalarma.

"May nangyari ba kay kuya Kanor?" agarang usisa nito kalakip ang pangamba sa boses.

Si Rafael naman ay nanatiling tahimik ngunit patuloy na hinayon ng mata ang dalagita.

Pilit na may namumuong sapantaha sa isipan nito sa biglang pagsulpot ni Rada.

"Naku, wala po aling Lourdes. Wala po kayong dapat na ipangamba at maayos po ang kalagayan ni Mang Kanor," aniya na pilit pinasigla ang boses.

🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon