Nakangiti pa rin si Rada habang nakatitig kay Rafael.
Hindi maitago ang kasiyahang pumuno sa maliit at medyo bilugan nitong mukha.
"Marami akong gawain na kailangang tapusin Miss Buenavista. Ipagpau---
" It's okay I'm just right here. Go ahead. "
Ang mabilis na putol ng dalagita bago pa tuluyang makapag-dahilan si Rafael.
Ang nangunot na noo ng binata ay nauwi sa pag-iisang linya ng mga kilay nito.
Gusto nitong magprotesta subalit tila kay hirap makaapuhap ng sasabihin para sa kaharap.
" Hindi mo ako nauunawaan---
"Lemme stay here Ralph and I promise I won't bother you." aniyang itinaas pa ang isang kamay, in a promise hand gesture.
Hindi na muling umimik pa si Rafael.
Tuluyang lumalim ang gatla sa noo nito.
Larawan ng hindi pag sang-ayon sa kanyang mga sinabi ngunit dumaan lamang.
Batid niyang pinipigil nito ang damdaming nasasaloob sa dibdib base sa paulit-ulit na pagtaas baba ng gulong-gulongan nito.
Gayunpaman ay balewala sa kanya kung magpakita man ng kalamigan ang binatang magsasaka.
Ang mahalaga ay nakorner niya ito ngayon.
At hindi sya manhid para hindi mahalatang iniiwasan sya nito.
Ano man ang dahilan mayroon ang lalaki ay mamarapatin niyang wag nang alamin.
She doesn't care anymore.
Si Rafael lang ang mahalaga.
Thanks to Clark. Ngayon ay wala na itong kawala.
Sa naisip ay gusto niyang mangiti ng lihim subalit nakamata ang binata.
Sinikil niya ang sarili at baka maubusan ito ng pasensya at tuluyan siyang ipagtabuyan.
Ngunit sya na rin ang nag suweto sa sarili, binura niya agad sa isip ang bagay na iyon.
Si Rafael na ata ang isa sa pinakamaginoong lalaki na nakilala niya.
Kaya't imposible na palayasin sya nito lalo na at nag-iisa lamang sya.
Sa ilang Linggong pagkakakilala niya sa binata ay talos niyang maalalahanin itong tao.
Pilit namang pinapormal ni Rafael ang paghinga sa pakiramdam na kinakapos.
Inalis niya ang tila hangin na bumabara sa kanyang lalamunan.
Pilit ang mga ngiting Ibinigay niya kay Rada.
Sadyang may kakulitan ang batang heredera.
Hindi pa man siya tapos sa gustong sabihin ay may nakahanda na agad itong pahayag.
Ganun kabilis gumana ang isip nito.
Walang saysay ang umiwas pa sa pagkakataong ito mukhang wala rin itong balak na makinig pa sa mga sasabihin niya.
Batid niya ang katigasan nito ng ulo.
Ilang ang sakahan sa bahaging ito ng San Isidro, hindi malimit ang mga taong nagagawi sa lugar na ito maliban sa mga tauhan ng asyenda.
Iilan lang din ang mga sasakyang dumaraan sa kalsada.
Kahit na ito pa ang pinakamabilis na daanan patungong bayan ay sadyang iniiwasan ang diversion road na ito pagka't makitid na'y lubak-lubak pa.
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Tajemnica / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...