Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang bulto ng hindi inaasahang bisita mula sa beranda.
Bahagyang lumukot ang kanyang mukha ng makilala ang nagmamay-ari niyon.
Inakyat siya ni manang Yoly at sinabing may naghihintay sa kanya sa ibaba.
Sa pag-aakalang ang mga kaibigan ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma.
Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw ng sabado.
Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang siya.
Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa ama.
Ngayon pa na may mga importante siyang kailangan gawin.
At batung-bato na siya sa bahay.
Wala siyang ginawa kundi ang maglagi sa silid niya.Saglit siyang huminto sa kalagitnaan ng hagdan.
Sumandal sa barandilya.
Tahimik na pinagmasdan ang nakatalikod na bisita.
Kumibot-kibot ang sulok ng mga labi niya at saglit na nag-isip.
Isang mababaw na buntong-hininga ang ginawa.
Nagkibit balikat bago nagpatuloy sa marahang paghakbang.
Narating ni Rada ang bukana ng pinto pa-beranda nang hindi namamalayan ng nasabing bisita.
Abala kasi ito sa kung anumang tinatanaw sa bakuran ng asyenda.
Natanaw niya mula sa garahe ang kulay lumot na pick-up na pag-aari nito.
Ibinalik niya ang tingin sa bulto.
"What brought you here, traitor?" ang maaskad na bungad ng dalagita.
Agad namang pumihit paharap ang nakatalikod na si Clark, pagkatapos marinig ang boses niya.
"Rads!" anang binatilyo na bagamat nagulat ay lumiwanag ang mukha.
Hindi nito inasahan na haharapin siya ni Rada sa araw na ito.
Naka-ilang balik na rin kasi siya ng asyenda sa pagbabasakaling makausap ang kaibigan, subalit tinatanggihan lamang siya nito.
Agad na lumapit si Clark kay Rada, na sa mga sandaling iyon ay nakasandig sa may hamba ng pinto habang nakahalukipkip ang mga kamay.
Nakairap ang kaibigan na pinukol s'ya ng matalim na tingin.
"I'm so sorry, Rads. I didn't mean to hurt you," ang mahinahon at apologetic na turan ni Clark.
"Hurt me? Who said I get hurt?" she said with protesting eyebrows.
"Rads..." si Clark na sinubukang lumapit.
Subalit humakbang ang dalagita patungo sa upuang bakal at naupo ng pasalampak.
Kumuha ng isang pirasong mansanas mula sa fruit basket na nasa lamesa na malamang ay dala ni Clark.
Batid nito ang pagkahilig niya sa mga prutas partikular na ang kasoy.
"Did I hear it right? Buong akala ko kasi..."
"Akala mo lang iyon," ang masungit na putol ni Rada sabay ingos.
Kumagat ito sa hawak na mansanas.
"Then why you're always avoiding me?"
"Coz you're a jerk and you betrayed me."
"Rads, I'm sorry. Forgive me this once."
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mistério / SuspenseIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...