Chapter 11

133 14 7
                                    

Trenta minutos na siyang nasa labas ng registrar's office.

Nakakainip ang bawat minuto ngunit matiyaga siyang naghihintay.

Inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng notes niya sa History.

Ayon kasi kay Ginoong Valdez, ang guro nila sa nasabing asignatura, magkakaroon sila ng long quiz ngayong araw base sa napag-aralan kahapon.

Subalit wala siya sa focus.

Ilang beses na niyang napasadahan ng mata ang kanyang kopya ngunit wala pa rin siyang maintindihan sa binabasa.

Ang isip niya ay naglalakbay sa impormasyong makukuha niya kay Miss Benitez.

"Miss Buenavista," anang boses na paanas.

Agad siyang nag-angat ng ulo ng marinig ang may-ari ng tinig.

Sinenyasan siya ng babae na lumapit sa bintana.

Mabilis naman siyang tumalima at inilang hakbang lamang ang pwesto ni Miss Benitez.

Isang maliit na papel ang palihim na iniabot ng babae pagkatapos magpalinga-linga.

"Rada, isinulat ko na d'yan ang eskedyul ni Samaniego. Naku bata ka, pag-ingatan mong hindi ito makaabot sa pamunuan. Ako ang malalagot at maaaring mawalan ng trabaho," marahang anas nito na larawan ng pag-aalala.

"Maraming salamat po ate Cha-cha. Huwag po kayong mag-alala mag-iingat po ako," paniniyak niya sa babae.

Pinakiusapan niya si Cha-cha na alamin ang s?iskedyul ni Rafael.

Si Cha-cha Benitez ay anak ng dating labandera nila Clark. Malapit sya sa dalaga.

Dahil lagi niya itong ka-kwentuhan sa tuwing nagpapang-abot sila sa villa.

Sa tulong ng scholarship program ng mga Zantillan ay naipagpatuloy nito ang pag-aaral at nakapagtapos.

After her graduation ay inalok ito ng mga Zantillan na magtrabaho na bilang staff sa registrar's office ng unibersidad.

Bantulot si Cha-cha noong una na pagbigyan siya sa kabila ng kanyang pagpupumilit.

Sapagka't paglabag iyon sa regulasyon ng paaralan. Ngunit kalaunan ay napahinuhod niya rin ang babae dahil sa kanyang masidhing pakiusap.

Muli siyang nagpasalamat at nangakong mananatiling sikreto ang lahat.

Tumango si Cha-cha at pinayuhan siyang pumasok na sa susunod niyang klase.

Mabilis siyang tumalima at nagbigay ngiti sa babae, pagkatapos ay malalaki ang mga hakbang na nilisan niya ang gusali.

Ilang araw na kasi niyang hindi nakikita si Rafael sa unibersidad.

At kahit sa oras ng klase nito ay wala ni anino ng lalaki.

Sinubukan niya ring bumisita sa resort ng mga Zantillan at baka sakaling masumpungan ang binata roon.

Subalit ayon sa matandang hardinero ng pamilya ay umalis na rin doon ang binata. Nalungkot siya sa nalaman. Asang-asa pa naman s'ya na makikita si Rafael roon.

Sinubukan niyang kumbinsihin si Clark na samahan syang muli sa Barangay Laoyon.
Ngunit likas ang naging pagtanggi ng kaibigan ng mapag-alamang si Rafael ang sasadyain nila.

Pina-alala lamang ng lalaki ang sinabing hindi nito kukunsintihin ang kanyang mga kalokohan.

Muli ay sumama ang loob niya kay Clark.
Tuluyang nagdamdam ang puso niyang naging maramdamin.

🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon