Muling binistahan ni Cathy ang puting papel na pinagguhitan niya ng mukha.
Napapailing ito at mukhang nagpipigil lang na matawa.
Siniko ni Rada ang kaibigan, naiinis na siya rito.
"Ano ba?" aniya na hinablot ang papel mula kay Cathy.
Tinitigan niya iyon ng maigi.
May mali ba sa pagkakaguhit niya?
"You know what Rads, kahit pagbalik-baliktarin ko iyang papel ay hindi ko ma-determine kung mukha ba ng tao iyang nakaguhit."
Sambit ni Cathy na hindi na napigilang mapahagikhik.Umingos si Rada. She rolled her eyes and took a deep sigh.
Tama ang kaibigan ano ba naman kasi ang alam niya sa pagguguhit?
Pagmemorya nga ng mga aralin at paggawa ng takdang aralin ay kinatatamaran niyang gawin pagguhit pa kaya?
Katunayan ay wala naman silang ginagawang magkakaibigan kundi ang mag-fill out ng slumbooks nang kung sinu-sinong kamag-aral na walang magawa kundi ang mangalap ng mga impormasyon.
Sa loob ng campus ay nagkalat din ang mga paparazzi kung tawagin.
Mga grupo ng estudyanteng madalas manguha ng mga larawan ng walang pasintabi.
Magugulat ka na lamang na may katawa-tawa ka nang larawan na nakapaskil sa bulletin board at with nakakatawang caption.
At siyempre pa instant celebrity ka na sa buong university.
Mula sa likod ay lumitaw si Bing, hinihingal at abot-abot ang hininga.
May tangan pa itong pumpon ng mga rosas sa kamay.
At tulad ng dati ay late na naman itong pumasok.
Mabuti na lamang at hindi pa dumarating ang unang guro nila sa klase.
"Anong drama iyan?" puna ni Cathy habang nakatingin sa bulaklak.
"Can't you see?" Habang iwinagayway ni Bing sa mukha ni Cathy ang mga rosas na tila nang-iinggit.
"Maliwanag pa sa sikat ng araw, hindi ako bulag para hindi makitang rosas iyan."
"Bigay ito ni Alexander." ang mayabang na wika ni Bing.
Sukat humagalpak ng tawa si Cathy na nauwi sa malakas na halakhak.
Nainis si Bing at hinampas ito sa braso.
"Si Alexander magbibigay ng rosas eh wala namang kalandi-landi sa katawan ang lalaking iyon? " bawi nito sa kaibigan.
"Isa pa wala naman iyon kinukursunada dito sa SMA. Kaya magising ka sa kapapanaginip mo. Balita ko nga ay huling taon na niya rito at tutulak na sila ni Mrs. Zaavedra patungong tate," ang mahabang litanya pa ni Cathy.
"Pagdating talaga sa tsismis nangunguna ka."
Sita ni Bing na naiinis pa rin."Pangarapin mo na ang iba huwag lang ang isang iyon. Kapara noon bato mas gugustuhin pa noon katabi ang rifle niya kaysa babae," ang patuloy na pambubuska pa ni Cathy.
"Alam mo panira ka talaga ng moment, lakas mo makabasag trip.
Para kay Ms. Tionco 'tong mga rosas, alam mo na late ako at para iwas homily."Inabot ni Cathy ang bungkos na rosas at dinala sa ilong.
"Kaso mukhang wala naman ang pagsusuhulan mo. Dayang naman 'tong mga rosas. Malamang dumaan ka pa nito ng villa. Pinilit mo na naman si Mang Kulas na pitasan ka ng rosas. Hindi ka na nahiya kay Mrs. Zantillan."
BINABASA MO ANG
🌻 Dagger Through The Heart 🌻 (On-Going)
Mystery / ThrillerIsang prinsesang pilya - - - si Rada Buenavista. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - - - Rafael Samaniego. Papangarapin mo ba ang prinsesa na kapara ay matayog na bituin? Saan hahantong ang isang pagtatagpo kung sa simula pa lamang...