KABANATA 21

263 34 6
                                    

HABANG nakasakay ako sa sasakyan ni Ethan ay panay ang pagbuhos ng luha ko. Hindi pa rin tumitigil ang mga alaalang nagbabalik sa isipan ko. Simula pagkabata, sa bahay ampunan. Doon ako lumaki at namulat akong walang sariling mga magulang. Kasama ko si Vienna at si Ethan. Sabay-sabay kaming lumaki at nagkaroon ng isip. Matalik kaming magkakaibigan simula pa man noon.

Isang araw, mayroong mga bata mula sa pribadong paaralan ang bumisita sa bahay ampunan. Doon ko nakilala si Semper. Doon kami napalapit sa isa't isa. Mga bata pa lang kami noon, pero para na siyang kuya sa akin. Hindi nalalayo ang edad namin subalit matured na siya kung mag isip, samantalang ako ay isip-bata pa rin.  Hanggang sa isang araw ay napapadalas na ang pagdalaw niya sa bahay ampunan. Nakilala rin niya sina Vienna at Ethan at naging matalik na magkaibigan kaming apat.

Hanggang sa humantong na sa pag-iibigan ang pagkakaibigan namin ni Semper. Ang akala ko'y magiging masaya kami palagi. Subalit nagsimula ring magtapat sa akin ng nararamdaman si Ethan, at nalaman ko namang matagal nang may lihim na pag-ibig si Vienna kay Semper. Hindi naging madali ang sitwasyon na iyon para sa amin dahil iyon ang naging dahilan kung bakit pare-pareho kaming nasasaktan at nagkawasakan.

Kahit na ganoon, walang pakialam si Semper sa nararamdaman ng dalawa. Ang importante sa kanya ay 'yung sa amin lang. Ayaw niya nang may pumipigil o humahadlang sa amin. Aaminin kong ganoon din naman ako. Pero habang tumatagal ay hindi ko makakayanang panoorin sila Ethan at Vienna na patuloy na nasasaktan.

Kaya naman, umalis ako ng bahay ampunan nang walang pasabi. Matagal akong nawala, matagal akong hindi nagpakita. Masyado pa akong bata no'n at hindi kinakaya ng pag-iisip ko ang mga nangyayari sa paligid ko. Bigay na bigay na rin ang nararamdaman ko,  pakiramdam ko ay dumaranas ako ng depresyon. Pinutol ko ang ugnayan ko sa kanila at nagpakalayo-layo. Subalit natagpuan pa rin ako ni Ethan. Noong mga panahong iyon ay awang-awa ako sa kanya. Nasisi ko ang sarili dahil masyado ko siyang nasasaktan. Nakiusap siya sa akin na manatili sa kanya sa loob ng mga ilang araw dahil pagkatapos niyon ay aalis na siya at bubuo ng panibagong buhay. Pinagbigyan ko siya, pero kahit kailan ay hindi ko hinayaang lumampas siya sa linya. Kahit na magkasama kami ay hindi ko hinahayaang makalapit siya sa akin. Awa ang nararamdaman ko, hindi pagmamahal. Dahil alam na alam ko sa sarili ko'ng si Semper lang ang para sa akin.

Ngunit sa mga panahong iyon ay hindi ko naisip ang kalagayan ni Semper. Hanggang sa isang araw ay nasagot ko ang tawag niya. Labis akong nagalit sa sarili ko na hinayaan ko lang siyang mag-isa at hanapin ako. Masyado ko lang napokusan ang sarili ko sa pag-aakalang iyon ang makakabuti para sa aming lahat.

Halos gumuho ang mundo ko nang malamang naroon siya sa delikadong lugar at hinihintay pa rin ang pagdating ko. Hindi ako nakatas kay Ethan kahit pa anong pagmamakaawa ko. Doon ko nalaman at napagtantong may plano sila ni Vienna. Pinamahak nila ang buhay namin ni Semper. At ngayon, umaapaaw pa rin ang galit ko.

"Wear your mask, Maya." pagsasalita ni Ethan, naputol ang pag-iisip ko. "We're here."

Mula sa labas ng sasakyan ay natanaw ko ang malaking hospital na pagma-may-ari ng pamilya ni Vienna. Pinunasan ko ang mga luha ko at nagpakawala ng malalim na hininga.

Sinuot ko ang mask sa mukha ko at ang face shield. Saka ako lumabas ng sasakyan na tinangka pang buksan ni Ethan para sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin at inirapan.

Naglakad kami papasok ng hospital pero hinarang kaagad kami ng gwardya para inspeksyonin. Pagkatapos niyon ay malaya na kaming nakapasok ni Ethan sa loob. Sumakay kami sa pinakamalapit na elevator at tahimik niyang pinindot ang 19th floor.

"Nariyan ba si Semper?" seryoso kong pagtatanong sa kanya, hindi siya nililingon.

Tumikhim siya. "Y-You'll see.. "

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon