Preview ng rebisyon - read onlyIbalik Kanselahin
"Multo! Kailan ka pinanganak? Ilang taon ka na?!" desperadong pagtatanong ko sa kaniya.
Halatang nagulat siya sa tanong ko gayundin sa pagsulpot ko ngunit agad ding napangiti.
"Well, I believe that I am ten years old." proud niyang sagot na kinaawang ng labi ko.
"T-ten years old?! Niloloko mo ba 'ko?! Eh sa itsura mong 'yan mukha ka ng teenager eh!" malakas kong sigaw.
Nangunot ang noo niya. "I am ten years old, being a ghost! I spent 10 years in this room, so I believe that I am also---"
"Ahh!" nagpatango-tango ako. "Ang ibig mong sabihin ay ten years ka na rito kaya ang edad mo ay ten rin?"
"Yes!" tugon niya. Napasimangot ako at kaagad na binatukan siya dahilan upang mapadaing siya. "Ouch! That hurts!"
"Gaga ka eh! Tinatanong ko yung edad mo simula noong pinanganak ka! Hindi 'yung multo ka na!" inis kong sambit.
Napasimangot siya "How am I supposed to know that? I woke up in this room with amnesia, I don't even remember my own name!" pagtaas niya ng boses.
Napaikot naman ako ng mga mata. Okay okay! Curious lang naman kasi ako dahil sa nasabi sa akin ni Ven kanina. Paano nga kung totoong nagkabangga na kaming dalawa noong buhay pa siya? Ang ibig sabihin ay nagexists na ako noong buhay pa nga siya! Hayst! Curious talaga ako sagad buto!
"Gusto kong malaman kung saan ka galing. Kung bakit ka nandito at kung anong pangalan mo."
Nanlaki ang mga mata niya. "Why do you want to know? I didn't even bother to know myself! I'm fine here without memories."
"Kaya ka siguro hindi pa kinukuha ni lord eh? O kaya naman, bakit hindi na lang si kamatayan ang sumundo sa'yo at dumeretso ka sa impyerno?" pagtatanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "I told you, I'm a good and friendly ghost--"
"Isa kang bossy ghost! Gusto mo lagi kang nasusunod! Pati pag bukas ng tv ay sa'kin mo pa inuutos! Langya ka!" pagalit ko sa kaniya.
Nagsalubong din ang kilay niya at tumuro sa tv. "That tv? I can't watch movies properly! It's full of advertisement! Urgh! I want to sue that thing off!"
Nangunot ang noo ko. "Ganyan naman talaga! Sisihin mo 'yung mga nagbibigay ng mahabang commercial! Hindi 'yung tv!"
"Still!" bumuntong hininga siya. "I just wanted to watch movies, but those ads are wasting my time!" parang batang aniya.
"Tsk!" tanging singhal ko sa kaniya.
Napanguso naman siya at akmang tatalikod nang bigla atang may maaalala. "Oh! What's my name?"
'Uh-oh...'
Nakalimutan ko na ang tungkol doon ah. Nag-iwas ako ng tingin at umaaktong may hinahanap sa sofa.
"N-nasaan na nga ba 'yon? N-nakalimutan ko---"
"What?"
"Ah! Baka nasa kwarto! Oo nga! T-tama nasa kwarto nga!"
Nagmamadali akong nagtungo sa kwarto at inilock ang pintuan.
Shocks! Ano bang ipapangalan ko sa multong iyon? Naiistress na 'tong bangs ko!
Napatingin ako sa kalendaryo sa kwarto ko. Ngayong araw pala ako magbabayad sa renta dito.
Inilabas ko ang face mask sa cabinet ko at isinuot iyon. Nag jacket at gloves rin ako para safe. Baka may virus si manang Eldren, kailangang mag-ingat.
BINABASA MO ANG
SPECTER OF OUR PAST
RomansaUNEDITED | "I'm dead.. and yeah, still handsome to be a ghost." Kahahanap lamang ni Maya ng bagong matutuluyan na apartment nang maabutan siya ng ECQ at lockdown, ngunit sa kasamaang palad.. sa apartment na kanyang tinutuluyan, naninirahan ang multo...