Madilim ang kalangitan ngunit nababalot ng maraming bituin sa langit. Kitang-kita rin ang nag-iisang buwan na nagbibigay liwanag sa gitna ng kadiliman. Walang maririnig na kahit anong ingay sa kalsada, lahat ng tao ay nagpapahinga sa kani-kanilang tahanan, dahil na rin may multa kapag lumabas ka! Tsk!
At dahil ayaw kong mai-stress ang bangs ko, baka mas umiksi pa ito. Lumabas ako ng apartment at kasalukuyang naglalakad sa gitna ng kalsada na para bang walang mali sa ginagawa ko. Ligtas naman sigurong magsuot ng jacket na itim with hood, pantalon na itim with ripped sa bandang tuhod, face mask na itim, at gloves na itim. O di'ba? Astig!
Para na akong may masamang balak nito, kahit ang totoo ay gusto ko lang mahimasmasan sa sinabi ni mr. ghost kanina. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero ang totoo niyan....
KINIKILIG AKOOOO!
KYAAAAAAAAAAHHHHH!
"Oh, Mayaaaa! Panty mo malalaglag naaaaaa! Kyaaaaaaahhh!" malakas kong tili at napapatalon sa sobrang kilig.
'I'm jealous! Damn it!'
'I'm jealous!'
'I'm jealous!'
'I'm jealous!'
'I'm jealous!'
'I'm jealous!'
"KYAAAAAAAAHHHHHHH!!! Tangenaaaa ka Caspeeer! Anong ginagawa mo sa'kin! Kyaaaah! Nababaliw na akooo!" malakas kong sigaw at napapatalon buhat ng nararamdamang kilig sa aking kalamnan. Parang inaararo ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok.
Sinapo ko ang dibdib. "Kalma lang, Maya! Kalma lang... yung puso mo.. shh.. kalma lang.." pinakalma ko ang sarili at napapikit. Ngunit sa pagpikit ko ay nakita ko ang galit na mukha ni Casper habang sinasabi ang
katagang...'Nagseselos ako, Maya! Sa hindi malamang dahilan! Nagtataka ako kung bakit ko 'to nararamdaman!'
KYAAAAAAAAHHHH!
HINDI KO KAYANG KUMALMAA!
Nagtatalon ako sa kalsada dala ng kilig. Para na akong baliw nito! Waah! Ano bang nangyayari sa akin?! Binabaliw na ako ni Casper! Hindi maganda 'tooo!
"Kyaaah! Maya! Umayos ka! Hindi pwede! Hindiii! Isa siyang multo! Multo! Multo siya! Multo! Kyaaahhhh---teka nga?" napaayos ako ng tayo at nasapo ang puso ko. Napatigil ako sa kilig portion at napalitan ng pagtataka ang isip ko. "Pwede pa lang magselos ang isang multo?" pagtatanong ko sa sarili. Para na rin akong sira habang kausap ko ang sarili. Totoo ngang nababaliw na ako at kailangan ko ng magpa-mental.
Pero bago pa ako tuluyang mabaliw sa kaiisip sa kaniya at sa nararamdaman niyang 'selos' pati na rin sa nararamdaman kong 'kilig' ay kinunsulta ko na ang soon to be doctor kong kaibigan.
"Vienna!" bungad ko sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag ko.
"Maya? Napatawag ka, gabi na ah?" pagtatanong niya sa kabilang linya.
Humakbang ako at nagsimulang maglakad habang kausap si Vienna sa cellphone. Madilim dito sa kalsada at bibihira lang makatanaw ng mga ilaw.
"Ahm, kasi ano eh.. ahm, pano ko ba sasabihin 'to?" nahihiyang usal ko.
"Spill the tea, Mayani ." banggit niya sa pangalan ko na kinasimangot ko.
"'Wag mo nga akong tawagin sa name ko! Alam mo namang ayaw ko nun eh!" ngusong sambit ko.
Napatawag siya. "Oo na sige! Bakit ka ba kasi napatawag? Ano 'yang sasabihin mo?"
Nawala ang simangot ko at pinipigilan ang sarili na hindi mapangiti. "Hehe-ehem.. ahm, kasi ano.. pwede munang magtanong?"
BINABASA MO ANG
SPECTER OF OUR PAST
RomanceUNEDITED | "I'm dead.. and yeah, still handsome to be a ghost." Kahahanap lamang ni Maya ng bagong matutuluyan na apartment nang maabutan siya ng ECQ at lockdown, ngunit sa kasamaang palad.. sa apartment na kanyang tinutuluyan, naninirahan ang multo...