Nagising ako ng may muta sa mata at tumutulo ang laway sa aking unan. Kaagad ko silang pinunasan at nag stretch-stretch. Naupo ako sa kama at tumulala.
Nakipag-agawan pa ako sa multo para lang sa kama na 'to. Ang kapal ng maputla niyang mukha para mahiga dito. Keso daw pagmamay-ari niya 'to blah blah! Ako naman ang nagbabayad nito at kung tutuusin ay pinalayas ko na siya dito nakaraang gabi. Hindi ko lang alam kung bakit pa ako nakipag deal sa kaniya!
Lumipas ang dalawang araw na kasama ko ang multong ito. Pangatlong araw ngayon ng quarantine at syempre, narito lang ako sa bahay at hindi ako lumalabas. Bukod sa nakakakilabot sa labas ay mayroong mga tanod at wala pa akong quarantine pass. Narito naman na ang mga kailangan ko sa silid na ito eh. Mga pagkain, mga damit, at kung anu-ano pa.
Hindi kami nagpapansinan ng multo at umaakto akong walang nakikita para maitago ang takot na nararamdaman ko. Kailangan ko lang namang makisama sa kaniya hanggang sa matapos ang quarantine na ito. Pagkatapos niyon, aalis na agad ako.
Pero, kahit na hindi kami nagpapansinan. Na-cucurious ako sa buong pagkatao--este pagkamulto niya. Kung bakit niya ako nagagawang hawakan, samantalang yung remote control nga ay nahihirapan siyang mahawakan. Kung anong ginagawa niya dito. At kung paano siya naging multo.
Curious na curious ako, gusto kong malaman nguniy ayokong magtanong sa kaniya. Saka, bukod sa kaniya, nacucurious din ako sa akin. Kung bakit ko siya nakikita. Kung bakit ko siya nahahawakan. At kung bakit kami nagkatagpo.
"Hayst!"
Tumayo ako mula sa higaan at naglakad papalabas sa maliit na silid na iyon. Napapakamot pa ako sa tiyan habang naglalakad at nang makapunta sa sala ay bumungad agad sa harapan ko si multo. Nakaupo at nakatulala sa tv.
Nangunot bigla ang noo ko. "Pinagpahinga mo ba 'yang tv? Mahal na nga ang renta ko sa bahay na 'to, dadagdag pa ang kuryente dahil sa panonood mo!" nakapamaywang kong bulyaw.
Ayos namang manood siya eh! Ang hindi ayos ay kapag nanood siya ay magdamagan na. Hindi siya nagpapahinga, pero sana pagpahingahin niya ang tv!
Matamlay siyang tumingin sa akin. "Why do humans fell in love and able to sacrifice themselves just for someone they love?" english niyang tanong na kinaawang ng labi ko.
"Umagang-umaga, ganyan ang tanong mo?" lumapit ako sa kaniya upang makita kung anong pinapanood niya. "Titanic??!"
"Yes, it's so romantic, so emotional. I mean, really? They love though they just met?" gulong tanong niya at halatang nalilito siya. Napasabunot pa siya sa sariling buhok. "I didn't even get it! They kissed, they did something unexplainable! What is that?! It's disgusting!"
T-tinutukoy niya ba yung gumagawa sila ng himala?
Napailing-iling ako at kinuha ang remote saka pinatay ang tv na kinangiwi niya.
"Woman! Why did you turn it off?! I'm watching!"
Tinaliman ko siya ng tingin. "Kapag malaki ang bill na babayaran ko rito, susunugin ko na lang ang apartment na 'to at sisiguraduhin kong wala kang matitirhan!" banta ko na kinalunok niya.
Inirapan ko siya at nagtungong kusina kung nasaan ang tabing banyo. Nagtungo ako do'n at nagtoothbrush habang nagpapa-cute sa salamin.
Nang matapos ay nakaramdam ako ng pagka-ihi. Hinubad ko ang ibabang pajama at naupo sa inidoro ng banyo nang biglang-----
"Woman? I can't touch the remote."
"WAAAAAAAAHHHH!!! BASTOSSSSSSSS! LUMABAS KA DITOOO!! KYAAAAAHHHH!!" parang mapuputol na ang ugat ko sa leeg dahil sa lakas ng pagtili ko.
BINABASA MO ANG
SPECTER OF OUR PAST
RomanceUNEDITED | "I'm dead.. and yeah, still handsome to be a ghost." Kahahanap lamang ni Maya ng bagong matutuluyan na apartment nang maabutan siya ng ECQ at lockdown, ngunit sa kasamaang palad.. sa apartment na kanyang tinutuluyan, naninirahan ang multo...