Maya's POV
Panibagong araw. Panibagong sakit ng ulo. Ang hirap na talagang makipagsapalaran sa buhay, ano? Nakakapagod ng mangapa dito sa mundong puno ng problema.
"Ineng! Ito ang magiging kwarto mo. Pagtiyagaan mo na dahil mura lang naman ang renta dito." pagsasalita ng matabang babae na sa edaran forty plus.
Napatingin ako sa katapat na kwarto. Pintuan pa lang bulok na. Pano na lang kaya pagpumasok pa ako sa loob? Ano kaya ang mayroon? Tambakan ng basura? Ganern ba?
"Salamat po. Nasaan na ang susi?" walang ganang tanong ko habang bitbit ang maleta at backpack sa likod ko.
"Oh eto!" inabot niya sa akin saka tumingin ng masungit. "Siya nga pala, huwag mo na lang pansinin ang ingay tuwing alas dose ng gabi."
Doon nangulubot ang noo ko. "Ano ho'ng ibig niyong sabihin?"
"May mga ingay na lumulukbo sa silid na iyan tuwing gabi. Umaabot hanggang first floor. May mga yapak na maririnig at huwag mo na lang pansinin. Ang importante ay may kwarto kang natutulugan. Nagkakaintindihan ba tayo?"
I smell something fishy.
Walang gana akong ngumiti. "Opo, sige. Salamat."
Umalis ang matabang babae at bumaba ng hagdanan. Nasa ikatatlo akong palapag ako kung nasaan ang kwarto kong bulok. Nakakaiyak ang pintuan na ito. Pakiramdam ko marami na siyang pinagdaanan kumpara sa buhay ko.
Ibinaba ko ang maletang dala at hinawakan ko ang kinakalawang na door knob upang sana ay ipasok ang susi doon. Ngunit natigilan ako nang humangin ng malakas, yung tipong pati bangs ko ay tinangay. Para din akong nanigas sa kinatatayuan dahil sa lamig na bumalot sa aking katawan. Gano'n na lang kalakas ang pagtibok ng puso ko!
Napailing-iling na lang ako at isinantabi muna ang kilabot na nararamdaman. Tiis takot muna tayo dahil kailangan ko ng matutulugan ngayon. Nagpakawala ako ng marahas na hininga kasabay nang pagpasok ko ng susi sa loob ng door knob. Hmm, sagad.
Nang tuluyan kong maibaon ang susi na medyo may kahirapan ay unti-unti kong binuksan ang pintuan. May tunog pa ang pinto na wari'y nahihirapan sa pagbukas.
*Eeeeeeeennnggggg*
? weird.
Napailing-iling na lang ako at yuluyang binuksan ang pinto. Kaagad na bumagsak ang balikat ko nang makita ang kabuuan ng silid.
"Nyeta! Daig ko pa ang nakatira sa kweba ah!"
Kitang-kita ang mga naglalakihang sapot ng gagamba at syempre ang mga gagamba na nagkakainan. May maiitim na bahagi ang kulay kupas na dilaw ang pader. Ang mauupuan sa sala ay sofa na parang sira naman na. May maliit na tv na mukha namang gumagana.
Haysstt! Hayaan mo na, Maya! Wala ka namang pera para makarenta sa iba, di'ba? Pang-kain mo na lang ang natitira mong pera hanggat hindi ka pa nakakahanap ng part time job!
Inisan kong dinampot ang maleta at iginaya iyon papasok sa loob ng silid. Sinarado ko ang pintuan at nagsimulang libutin ang buong kapaligiran. Nagtungo ako sa sala maliit na kusina at napangiwi ako nang may mga kagamitan doon na hatalang napaglipasan na ng panahon. Naagaw naman ang atensyon ko sa mini-refrigerator at kaagad na nilapitan iyon upang tingnan.
"Whoah! Hindi pa sira! Nice!" namamanghang sambit ko.
Sunod akong nagtungo sa maliit na banyo sa kusina. Pumasok ako at nakita ang nangingitim na tiles. Mayroong shower at gripo sa ibaba. Basag din ang salamin sa dingding. Konting ayos lang sa mga ito at gaganda rin 'yan. Hmm... magagawan ko ito ng paraan.

BINABASA MO ANG
SPECTER OF OUR PAST
Roman d'amourUNEDITED | "I'm dead.. and yeah, still handsome to be a ghost." Kahahanap lamang ni Maya ng bagong matutuluyan na apartment nang maabutan siya ng ECQ at lockdown, ngunit sa kasamaang palad.. sa apartment na kanyang tinutuluyan, naninirahan ang multo...