KABANATA 7

269 40 22
                                    

NAPABALIKWAS ako ng bangon matapos makarinig ng sunod-sunod na yapak mula sa sala. Nakatulog na pala ako rito sa kama sa kahihintay kay Casper. Sumisilip na rin si haring araw sa labas ng bintana ko at natatamaan niyon ang bangs ko.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan--teka? Hindi naman ako nagkumot noong nakatulog ako ah?

Si Casper!

Dali-dali akong lumabas ng silid upang makita kung nakabalik na ba siya. Halos naman mapalundag ako sa tuwa nang makita siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa tv. Sinadya ko iyong iwan ng nakabukas nang sa ganon ay makapanood siya. Alam ko namang hindi niya nahahawakan ang remote control.

Mukhang napansin siya ang pagsulpot ko kaya't napatingin siya sa gawi ko. Ngingiti na sana ako nang bigla niya akong irapan at bumalik ang tingin sa panonood.

Aba! Nang-iirap ka na ngayon ah!

Parang gusto ko tuloy siyang batukan dahil sa pag-irap niya. Ngunit naalala ko na may nasabi pala akong masakit na salita sa kaniya kanina kaya siya nag walk out at nag teleport kung saan.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan muna siya sa sala. Nagtungo akong kusina at doon nagluto na naman ng itlog dahil kumakalampag na ang tiyan ko. Kanina pa naubos ang masarap na adobo ni Ethan. Lasap na lasap ko pa rin ang bawat mantika niyon.

Sana magbigay siya ulit! Sawa na ako sa malademonyong itlog ko!

Nang matapos magluto ay mabilisan kong tinapos ang pagkain ng itlog dahil ayoko ng lasapin pa ang bawat sunog na parte niyon. Nagtungo ako sa sala at naupo sa tabing upuan ni Casper na walang kahit anong emosyon na nanonood ng palabas.

'The boss baby'

Patapos na iyon dahil kanina ko pa pinlay noong umalis siya. Tiningnan ko si Casper ngunit sa palabas ang tuon niya. Mukha namang hindi siya nanonood at tulala lang sa tv eh.

"Casper? Tampururut ka ba?" ngunot kong tanong.

Hindi niya ako inimik at nakatuon lamg siya sa tv. Napangiwi naman ang labi ko at lumapit sa kinaroroonan ng tv saka iyon pinatay. Nakapamaywang ko siyang hinarap saka tinaasan ng kilay.

"Tampo ka no?" ngunot kong tanong. Parang gusto kong sakalin ang sarili. 'Di pa ba obvious?! Kaya nga siya nawala kanina eh.

Walang buhay niya akong tiningnan dahil patay na siya. "Why did you turned it off? Can't you see that I'm watching?"

Napaikot naman ako ng mga mata. Umiingles na naman siya. Kahit kailan talaga. Tsk! Napabuntong hininga ako at ngumuso saka nakipagtitigan sa kaniya.

"Sorry na?" nguso na sambit ko na kinaiwas niya ng tingin.

"You're ugly. Stop pouting."

Aissh! Bihira na nga lang ngumuso, nasabihan pa ng panget!

Tangena naman oh! Tampururut pa siyang nalalaman! Nag sorry na nga eh. Mudmod ko yung maputla niyang mukha sa pader ng sa ganon ay pumuti ang iyon!

"Hindi mo naman kailangang manlait! Nag sorry na nga ako eh!" salubong na kilay kong sabi.

"Not acceptable." tanging sambit niya na kinaawang ng labi ko.

N-not acceptable?

"Grabe ka naman! Grabe ka magtampo! Sabi ko lang naman kanina na amoy kandila ka ah? Totoo naman kasi eh!" iritang anas ko.

Sinamaan niya ako ng tingin na kinataas ng balahibo ko. "Say sorry if you really mean it." madiin niyang sambit. "If you don't want my smell, go and live with the guy next door!"

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon