"Mayani, wake up." Malambing na boses ang nagpamulat sa mga mata ko. Isang matamis na ngiti ang una kong nasilayan. "We're here."
Hindi ko rin naiwasan ang mapangiti. Binangon ko ang ulo ko na noo'y nakasandal sa balikat niya. Saka ako nag-unat ng katawan at kumamot sa aking tiyan. Sumilip ako sa labas ng bintana ng sasakyan at lalong napangiti. Pinatong naman ni Semper ang ulo niya sa aking balikat.
"Is this the place?" Malambing niya pa ring tanong sa akin, ang mukha ay sinusubsob sa aking leeg.
"Tsk, tigilan mo nga 'yan." Saway ko sa kanya. "Nandito na nga tayo.."
"Are you sure? This place looks bad."
"First impression mo lang 'yan. Pero maganda sa loob. Lalo na sa kwarto ko." Ngiti kong tugon.
"Hmm?"
Bumaling ako sa driver ng Van na nasa harapan. "Manong, pwede pong patulong sa paglabas ng gamit ni Semper?"
"Sure, ma'am! No problem." Masigla niyang tugon at saka lumabas ng Van.
Binalingan kong muli si Semper na nakatingin na sa akin. Pinulupot niya pa ang mga braso sa aking baywang. Napatawa naman ako saka ginulo ang buhok niya.
"Tara na, baba na tayo." Anyaya ko.
Imbes na makinig ay dinampihan niya ng halik ang pisngi ko at ngiting-ngiti na inulit pa iyon. Ngumuso naman ako para mapigilan ang malaking ngiti ko. Ngena, tumitigas na naman pwet ko sa kilig neto! Napatawa pa ako saka ginantihan siya ng halik sa pisngi. Nakagat niya ng ibabang labi at pinamumulahan ng pisngi.
"I love you.." kinikilig niyang bulong sa akin.
"Kalalaking tao, kilig na kilig." ngisi ko pa.
"Tsk.. bihin mo lang na I love you too eh." Ungot niya sa akin.
"Hmm. I love you too, Semper. Super duper!"
Lumaki ang ngiti niya at hinawi ang bangs ko na mahaba na nang kaunti. "You're so beautiful.."
Sandali pa kaming nagharutan sa loob ng van bago tuluyang bumaba. Tinanaw namin pareho ang apartment na dati ko nang tinutuluyan. Hindi natuloy ang pagsama ko kay Manang Eldren sa kanyang bahay magmula nang bumalik na ang lahat sa akin. Ilang linggo na rin ang nakalipas magmulas nang mangyari ang sa hospital. Napakabilis talaga ng panahon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko na si Semper ngayon. Hindi man tanggap ni Vienna ay wala na siyang magagawa pa. Obvious namang hindi siya kailangan ni Semper! Ako ang mahal niya, sa akin siya.
Pero syempre, kahit galit na galit ako kay Vienna ay nagawa kong magpasalamat sa kanya. Dahil binantayan niya at inalagaan si Semper ng limang taon sa hospital. Pero, naisip ko rin, hindi naman talaga mangyayari iyon sa umpisa pa lang kung hindi niya pinahamak si Semper. Subalit, alam kong may kasalanan din ako at maging si Ethan. Napakagulo ng past naming apat. Ngunit gagawin ko ang lahat para mabura na iyon sa isipan ko. Kakalimutan ko na iyon at magsisimula ng panibagong buhay!
"Wait, this place is familiar." Nakasimangot na pagsasalita ni Semper. "Uh, I remember! Tsk."
Ngumiti ako. "Ibang-iba na 'to sa noon. Tatanggalin natin 'yang trauma mo sa lugar na 'to. Gusto kong mabura ang masasama mong alaala. Pati na rin ang sa akin."
Ngumiti siya at umakbay sa akin. "Okay, as long as you're here with me. I'm gonna be fine."
"Gano'n din ako sa'yo. Basta kasama kita. Ayos na ayos ako!"
Lumaki ang pagkakangiti niya at pinisil ang pisngi ko. "You're so cute, yeobo."
Yeobo.. endearment namin. Ang sarap sa pakiramdam! Parang ito na ang ikatlong bersyon ng pagmamahalan namin. Iyong una ay sa bahay ampunan na talaga namang mayroong masamang alaala. Ang pangalawa ay sa akin, at kay Casper. Ang pangatlo ay ang ngayon.
BINABASA MO ANG
SPECTER OF OUR PAST
RomanceUNEDITED | "I'm dead.. and yeah, still handsome to be a ghost." Kahahanap lamang ni Maya ng bagong matutuluyan na apartment nang maabutan siya ng ECQ at lockdown, ngunit sa kasamaang palad.. sa apartment na kanyang tinutuluyan, naninirahan ang multo...