KABANATA 16

185 35 9
                                    

Maya's Pov


Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang biglang magliwanag ang paligid. Kusa kong nasapo ang bibig gamit ang dalawang kamay sa gulat nang makita si Ethan sa sahig.

Nakahiga ito at nakapikit ang mga mata. Habang si Casper ay nakatayo sa harapan niya at pinakatitigan siya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngunit kusa na lamang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya.

"Casper..." ngunit mukhang hindi niya narinig at nakatuon lamang ang tingin niya kay Ethan.

Napagtanto kong walang malay si Ethan sa sahig dala nang malakas na paghambalos niya mula rito.Nakapikit ang mga mata niya ngunit nakatitig sa kaniya si Casper na parang inuusisa ang lahat-lahat sa kaniya.

"Casper!" muli kong tawag sa kaniya dahilan upang maagaw ang atensyon niya at mapatingin sa gawi ko.

Bumalik sa normal ang mukha niya at hindi ang nakakatakot na siya. Ngunit ang suot niya ay iyong itim na ayaw kong makita. Inosente naman siyang tumingin sa akin.

"What? I didn't do anything. He suddenly passed out, maybe after he felt my presence?" kaagad niyang sabi.

Nangunot ang noo ko at napaayos ng tayo. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko ngunit hindi ko pinakita sa kaniya. Bumaba ang tingin ko kay Ethan.

"S-sigurado ka bang wala kang ginawa sa kaniya?" bumaling ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay nakangiwi ang mga labi. "Magsabi ka nga ng totoo! Anong ginawa mo sa kaniya!?" napataas ako ng boses.

Nagkibit-balikat siya ngunit nagbaba ng tingin. "I don't know but.. I can feel my madness towards him.."

"Ganiyan ba talaga ang galit mo sa kaniya?"

Humarap siya sa akin at bahagyang lumapit nang nakatungo. Nagsitaguan ang mga balahibo ko nang hawakan niya ang kamay ko. Ibang-iba ang lamig niya kumpara dati.. Ngayon ay mas lalong nakakaginaw at lumalakas ang presensya niya.

"I heard something earlier that makes me feel unease.." nag-angat siya sa akin ng tingin. "I suddenly feel bloody.."

Napalunok ako sa sinabi niya. Nangungusap ang mga mata niyang tumitig sa mga mata ko. A-ano naman kaya ang narinig niya?

"Maya, can you promise me one thing?" bigla niyang ani.

"A-ahm.. ano?"

"No matter how I turned out or what I could have done.. Please don't be scared at me.. please don't show me the scary look of yours.. It would leave a scar in my empty chest.." sinsero niyang sabi.

Muli naman akong napalunok at nag-iwas ng tingin.

"Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa itsura mo kanina.. May mga sugat ang mukha mo at maraming dugo sa katawan mo na parang sinasabing patay ka na talaga--"

"Don't leave me." kaagad niyang putol sa sinasabi ko.

Muli akong napatingin sa kaniya at kitang-kita ko ang pagiging sinsero at emosyonal na mukha niya. Muli na naman akong napalunok. Hindi ko alam ang itutugon ko.

Ngunit napasinghap ako nang biglaan niya na lang akong niyakap.  Mahigpit ang yakap niya sa akin na parang ayaw na niyang pakawalan kaya't hindi ko maiwasang mapangiti ng malungkot.

"I like you so much, Maya.. You are like my angle.. by just a glance of yours.. I wanted to show you that I am good.. I would never hurt you.. But if you leave me.." humigpit ang yakap niya. "Please don't.. please.."

Napapikit ako at yumakap sa kaniya pabalik. Ayaw ko rin namang iwan siya. Hindi ngayon.. Pero pagtapos ng quarantine ay aalis na ako sa lugar na 'to.. iiwan ko talaga siya. Kailangan kong ituloy ang agos ng buhay..

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon