KABANATA 11

216 39 13
                                    

"Maya.. I want to be a human too."

Nang sabihin niya iyon ay hindi ako nakaimik sa kaniya. May kamunting kirot sa aking puso habang pinagmamasdan ang nangungusap niyang mga mata. Sunod-sunod ang naging paglunok ko.

"Bakit naman?" pinilit kong pagtaasan siya ng kilay upang hindi niya makita ang lungkot sa mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Hindi nawawala ang tingin niya sa akin. Deretsong-deretso iyon sa mga mata ko at hindi ko magawang alisin ang tingin sa kaniya. Nilalabanan ko iyon na para bang wala na akong kawala.

"Because I want to be with you." aniya sa mababang boses. Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas naman siya ng tingin.

Kalma lang..

Pasimple kong sinapo ang dibdib ko upang pakalmahin ang puso ko na lumalakas na naman ang pagkabog.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito si Casper. Dahil sa mga sinasabi niya ay sumasakit ang puso ko. Bawat salitang binibitawan niya ay pumapasok sa utak ko at baon na baon sa puso ko.

Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako. "Who is he?" tukoy niya sa larawan.

Napatingin muli ako sa screen ng laptop ko. Ang saya-saya ko pa sa larawang ito kasama ang ex boyfriend ko. First monthsary namin ito na magkasama. Todo ang ayos ng mukha ko at ganoon din naman siya. Napangiwi naman ako. Ayoko na sana siyang balikan pa pero hindi ko naman naiisipang burahin ang mga larawan niya sa laptop ko. Kahit papaano ay naging parte siya ng buhay ko.

"Siya si Justin." bumuntong hininga ako saka napangiwi. "Ex boyfriend ko. Tsh.. matagal na 'yan. 2016 pa kami niyan."

"Then why you keep this picture?" seryoso siyang bumaling sa akin ng tingin. "If he's your ex, he must be deleted in your laptop, in your life."

Napanguso ako saka nag-iwas ng tingin.  Pinagmasdan ko ang larawan naming dalawa saka napangiti. "Ayaw ko siyang kalimutan... bukod kasi sa kaibigan ko, siya lang ang isa pang tao na nagkaroon ng mabigat na role sa buhay ko."

Muli akong napangiwi. "Ayos lang na iniwan niya 'ko sa walang kakwentang dahilan. Minahal ko naman siya kaya ayaw ko siyang kalimutan."

"D-do you love him? Do you love him still?" napatingin ako kay Casper nang tanungin niya iyon. Hindi ko mawari ang emosyong lumulukob sa mga mata niya.

"Minahal. Loved. Tapos na, past na." tugon ko saka muling tumingin sa larawan. "Dahil sa kaniya, naranasan kong sumaya. Nagkaron ng kulay ang buhay ko matapos ng mapait kong nakaraan. Tinulungan niya rin akong makabangon muli kasama ng kaibigan ko. Akala ko nga kung saan na ako pupulutin dahil nawala sa alaala ko ang mga taong nakakasama ko noon sa bahay ampunan."

Sumakit ang pagpintig ng puso ko. Parang pinipiga iyon habang inaalala ko ang aking nakaraan.

"Bahay amupunan?" patanong niyang sambit.

Tumango naman ako saka ngumiti.
"Hmm.. sa bahay ampunan ako lumaki. Kung saan dinadala ang mga batang walang magulang at walang ibang nag-aalaga."

Nangunot ang noo niya. "You mean.. you don't have any parents? You're alone just like me?" curious niyang tanong.

Napatawa naman ako. Naupo ako sa kama dahil nangawit na ang aking likod sa kakadapa mula rito. Naupo rin si Casper kaharap ko.

"Naniniwala ako na mayroon akong ina at ama. Kasi kung wala? Hindi ako ipapanganak sa mundo. Ganoon ka rin, Cas. May magulang ka siguro noong nabubuhay ka pa. Malas mo nga lang dahil deads ka na."

Napasimangot siya kaagad ngunit hindi umimik. Napatawa na lang ako.

"At.. hindi ako mag-isa gaya mo. Kasi mayroon akong mga kaibigan sa bahay ampunan. Yung iba nakalimutan ko na. Yung iba naman, hindi ko na maaalala pa. Doon ko nakilala ang isa kong matalik na kaibigang babae. Pangalan niya ay Vienna."

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon