KABANATA 2

377 49 33
                                    

Unti-unting nagmulat ang mga mata ko sa ingay na lumulukbo sa aking tainga. Pumapasok iyon maging sa panaginip ko.

"A-aah..." pagdaing ko nang muling mabuhay ang sarili habang pinapalibot ang tingin sa paligid. Kaagad na nangulubot ang noo ko sa isiping...

N-nasa kusina ako?

Gamit ang isang kamay ay sinapo ko ang ulo dahil sa sakit na bumalatay rito. Nakahiga pa rin ako sa sahig ng kusina at hindi man lang mabangon ang sarili. Ngunit halos mamutla ang buong pagkatao ko nang makitang may kutsilyong nakabaon sa dibdib ko.

"Oohhh! Noooo! No no no noo!!! Kyaaaaaaaaahhhh!!!!"

Nabalot ako ng takot at panginginig habang pinagmamasdan ang kutsilyong nakabaon sa akin.

"Waaaaaaaaaaaahhh!!!" hindi! hindi pwede!

Aaaaaaaaaaaahhhh!!! Mamatay na ba 'kooo?!!! Patay na ba 'ko?!!!

B-bakit may nakabaong kutsilyo sa akin?!

Bakit may kutsilyo sa akin?!!!

Sino sumaksak sa akinnn?!!

B-bakit may kutsil-----

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bumalik ang aking alaala kung bakit ako nasa kusina ngayon at kung bakit may kutsilyong nakabaon sa akin. Nagpa-echo-echo ang boses ng nilalang sa utak ko na wari'y naglalaro doon.

I'm dead.... And yeah, still handsome to be a ghost.

I'm dead...and yeah, still handsome to be a ghost.

I'm dead.

I'm dead.

I'm dead.

'be a ghost.

ghost.

ghost.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" sobrang lakas ng tili ko na para akong mapuputulan ng isang ugat sa leeg.

Sobrang panginginig ng katawan ko gayundin ang lamig na bumalot sa pagkatao ko. Walang anu-ano'y napabalikwas ako ng bangon at ngayon ay nakaupo na 'ko.

Laking gulat ko nang malaglag ang kutsilyong kaninang nakabaon sa dibdib ko-------ooh wait!

Wait a minute!

Kinapa-kapa ko ang sarili at nanlaki ang mga mata ko ng wala namang dugo ang lumalabas sa katawan ko. Wala rin namang kahit anong sugat o gasgas sa katawan ko. Saka ko lang napagtanto na hindi pala sa dibdib ko nakabaon ang kutsilyo...

TANGENAAAA!

NAKAIPIT LANG IYON SA KILI-KILI KOOOOOO!

""Inaaniyahan ang lahat na manatili sa kani-kanilang tahanan habang isinasagawa na ang Home Quarantine.""

Muling nanlamig ang katawan ko nang makarinig ng ingay at boses. Galing iyon sa telebisyon, nasisiguro ko. Parang tinig ng isang babaeng nagrereport ng balita.

Nanginginig ang mga tuhod ko na pinilit kong makatayo at dinampot muli ang kutsilyo. Dahan-dahan, na walang maririnig na yakap, ako'y naglakad papalabas ng kusina at dahan-dahan ding sumilip sa sala.

""Tinatawagan ang kooperasyon ng lahat upang mapanatili ang ating kaligtasan. Hindi magtatagal at malalagpasan din natin ang pagsubok na ito. Tayo'y manalangin at humingi ng tulong sa poong may kapal...""

"That's bullshit!"

Napaawang ang bibig ko sa gulat at dali-daling tinakpan ang sariling bunganga bago pa man ako marinig ng lalaki.

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon