KABANATA 12

227 40 18
                                    

Maya's Pov

Umalis si Ethan pagkatapos akong painumin ng gamot. Hindi ko nagawang tanungin sa kaniya kung paano niya nalaman ang kalagayan ko ngayon. Wala siyang sinabi na kahit ano nang maputol ang mangyayari sana kanina. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko kung magkitapa kaming dalawa. Napaka-awkward niyon at wala kaming naging imik.

Ngunit nababahala ako pagdating kay Casper. Pagkatapos niyang bitawan ang salitang 'Don't, please' ay bigla na lang siyang naglaho na parang isang bula. Ano ba ang tinutukoy niya ng sabihin niya iyon? Ang matutuloy sanang halikan namin ni Ethan? Hayst. Kailangan ko siyang makausap.
Kaya lang hindi pa ako makaalis sa kwarto ko dahil hinihintay ko pa ang paghupa ng sakit ng puson ko. Kaya naman naisipan ko na lang tumugtog ng gitara kahit nanghihina ang mga daliri ko.

Hindi Tayo Pwede
The Juans

Naipikit ko ang mga mata habang tinutugtog ang gitara kasabay ng pagkanta. Parang may mga imahe at boses na lumalabas sa isipan ko habang ginagawa iyon.

"Pilit nating iniwasan..
Ganitong mga tanungan..
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan.."

'Mayani? B-bakit ngayon mo lang nasagot ang tawag ko? N-nasaan ka?'

'Umalis ako sa ampunan na hindi ko nasasabi sa'yo.. Pasensya na..'

"Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo..."

'M-mayani.. 'wag ka namang ganiyan oh! Pati ba naman ikaw, iiwan ako?'

'Hindi kita iiwan. Wala akong sinasabi.'

'P-pero bakit wala ka ngayon? Mayani, gusto kitang makita.'

'Okay sige.. Magkita tayo.. Mahal kita, hintayin mo ako.'

"Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala...."

'Shet! Nasaan ka?! Sabihin mo 'kung nasaan ka ngayon?!'

'M-mayani... Nandito ako sa l-lumang bahay ng--'

'Bakit ka pumunta diyan?! Delikado diyan! Mapapahamak ka!'

'P-pero.. Tinext mo ako.. sabi mo dito tayo magkikita 'di ba, Mayani?'

'A-ano?! Wala akong tinetext sa'yo! Argh shet! H-hintayin mo ako diyan!'

'H-hihintayin kita..'

"Hindi tayo pwede...
Pinagtagpo pero 'di tinadhana...

Hindi na posible...
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan...

Suko na sa laban
Hindi tayo pwede..."

*BOGGGSSSHH*

Napahinto ako sa pagtugtog at napamulat ang mga mata ko nang dahil sa kalabog na narinig ko. Inialis ko ang gitarang hawak saka ang kumot upang umalis sa kama.

Kalabog iyon ng kawali na nahulog mula sa sahig. Galing sa kusina kaya't kahit nanghihina ay bumangon ako. Naglakad ako papalabas ng kwarto at bumungad sa akin ang sala na tahimik. Nakapatay ang tv at walang Casper na nanonood doon.

Ngunit natigilan ako nang marinig ang boses niya mula sa kusina. Masaya na parang naiirita.

"Urgh! Damn it! I just touched it!"

SPECTER OF OUR PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon