Maya's Pov
Gaya kahapon, hindi tumigil si Ethan sa pangungulit sa labas ng silid ko. Paulit-ulit siya sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko magawang pagbuksan ng pinto dahil kay Casper. Alam kong nanggagalaiti siya sa galit dahil sa kulit ni Ethan. Gusto ko pa naman sana ring makausap si Ethan dahil curious na curious na ako. Siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko na patuloy na gumugulo sa isipan ko.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis sa kwarto nang tumunog ang cellphone ko. Nang makita kung sino ang tumatawag ay kaagad ko iyong sinagot.
"Hello, Vienna?"
"Maya.. kamusta ka na?" tugon niya sa kabilang linya.
Napanguso ako. "Hindi ayos.. wala na kong makakain sa susunod pang mga araw. Naubos na mga stuck ko rito eh."
"Gano'n ba? Um.. magpapadala ako ng pera para may panggastos ka pa. Sabihin mo lang kung anong kailangan mo diyan--"
"Naku, Ven! Hindi na.. ayos lang.. 'wag na, 'di na kailangan." nahihiya kong tanggi at napapailing.
"Ano ka ba naman? Sige na, sabihin mo lang sa'kin kung ano pang kailangan mo.. ako ng bahala. 'Di mo kailangang mahiya sa'kin, magkaibigan tayo, no? Tsk!"
Napangiti ako. "Salamat, Ven.. pero ayos lang talaga, 'wag ka ng mag-abala. Hehe.."
"Tsk! Magpapadala ako sa'yo at kunin mo na lang. Hindi mo 'yon pwedeng tanggihan." napabuntong hininga siya at napangiwi ako. "Tumawag lang ako para kamustahin ka."
"Tsh!" singhal ko at pabagsak na naupo sa kama.
"Nga pala..."
"Bakit?"
"Y-yung tungkol kay... Ethan.."
Nangulubot ang noo ko sa pagbanggit niya sa lalaking singkit. Muling bumalik sa alaala ko ang pagbanggit din ni Ethan sa pangalan ni Vienna noong nakaraang araw.
"Bakit? Anong meron kay Ethan?" inosente kong tanong.
"Um.. nangungulit ba siya sa'yo?"
Naningkit ang mga mata ko. "Oo.. Lagi niya akong kinukulit."
"A-anong sinasabi niya? May nasabi ba siya---"
"Oo. Tungkol sa'yo." putol kong sabi. Kailangan kong hulihin sa salita si Vienna. Dahil kapag nagtanong ako ay siguradong hindi niya ako sasagutin.
"Tungkol.. sa'kin? Maya, kung anuman ang sabihin niya ay huwag kang maniwala. Puro kasinungalingan ang lalaking 'yon! Masamang tao si Ethan, hindi ka dapat dumidikit sa kaniya!"
Napangiwi ako. "So.. magkakilala nga kayong dalawa? Kailan pa?"
Nawalan siya ng imik sa kabilang linya na kinangisi ko ng peke. May tinatago nga siya sa akin dahil ayaw niyang sabihin ang totoo. Si Ethan nga lang ang makakasagot sa mga tanong ko.
"Bye Vienna.. sa susunod na lang tayo mag-usap kapag naisipan mo ulit tumawag." binaba ko ang cellphone at malakas na nabuntong-hininga.
Tama nga si Ethan, may kailangan akong malaman at balikan.
At iyong pangalang binanggit niya..
'Semper..'
Sino ka.. sino ka ba sa buhay ko?
Napatingala ako sa kisame at mariing naipikit ang mga mata. Kung kumpleto lang sana ang laman ng utak ko ay hindi sana ganito. Nakakaistress sa bangs.
"Maya?"
Lihim akong napangiti. Mabuti na lang at may stress reliever ako. Nabaling ang tingin ko sa gawi niya sa pintuan saka malaking ngumiti. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at agad niyang ginawa. Naupo rin siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
SPECTER OF OUR PAST
RomanceUNEDITED | "I'm dead.. and yeah, still handsome to be a ghost." Kahahanap lamang ni Maya ng bagong matutuluyan na apartment nang maabutan siya ng ECQ at lockdown, ngunit sa kasamaang palad.. sa apartment na kanyang tinutuluyan, naninirahan ang multo...