"Yeobo! Kamusta?"
"Bakit ngayon mo lang ako binalikan? Na-busy ka ba sa kaniya, Mayani?"
"Anong ibig mong sabihin? Nababaliw ka na naman no? Tsk!"
"Kung nababaliw man ako.. 'yun ay dahil sa'yo. Kasalanan mo, kaya sana.. wag ka ng lumapit sa kaniya."
"Yeobo naman! Nagkasama lang kami.Bakit? Selos ka?"
"Oo.. kaya layuan mo na siya."
"H-ha? N-nagseselos ka?"
"Mayani, hindi ko gusto na kasama mo 'yung lalaking 'yon."
"P-pero.. kaibigan ko siya, .."
"Tsk! Dati kuya, ngayon naman, kaibigan? Ano sa susunod? Ka-ibigan? Gaya ng nangyari sa atin? Ganun ba?"
"S-saan mo ba napupulot 'yang mga pinagsasabi mo? Anong nangyayari sa'yo?"
"Sineseryoso ko kung anuman ang mayroon tayo. Pero ikaw? Ginagawa mo lang laro ito eh! Mayani, hindi na tayo mga bata. Hindi na ako nakikipaglaro sa'yo! Magseryoso ka naman! Seryosohin mo naman ako."
.."MAYA, stop talking to him." rinig kong mapang-utos na usal ni Casper sa tabi ko. Hindi ko siya pinapansin ngunit bigla na lang akong nanigas sa kinatatayuan nang hawakan niya ang kamay ko. "Maya, I'm here.. Nangako ka.. ako lang."
Casper?! A-anong...
Akmang lilingunin ko siya dahil sa sinabi niyang mas nagpagulo sa akin. Ngunit bigla rin namang nagsalita si Ethan at hindi nawala ang paningin ko sa kaniya.
"Mayani.." sambit niya sa pangalan ko at sumeryoso ang kaniyang mukha. Napalunok ako nang agawin niya sa akin ang kamay ko na hawak ni Casper. Madali lang niya iyong nakuha dahil tumagos lang ang kamay niya kay Casper.
Napatingin ako sa gawi nito at kita ko ang pagdilim ng mukha niya dahil sa ginawang pag-agaw ni Ethan sa kamay ko. Nakikita ko ang pagtiim-bagang niya na kinalunok ko naman.
"Mayani, sumama ka sa'kin. May ipapakita ako sa'yo." seryosong sambit ni Ethan at dito nabaling ang tingin ko. Kaagad na bumakas sa akin ang gulat at pagtataka dahil sa sinabi niya.
"Ethan? Ano bang nangyayari--"
Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang biglang humangin nang pagkalakas-lakas. Dumilim at lumiwanag ang paligid dahil sa pagpatay-sindi ng mga ilaw. Tumutunog ang daloy ng kuryente habang nangyayari iyon. Pabilis ng pabilis ang pagpatay-sindi ng mga ilaw na kinataas ng mga balahibo ko at nanaig sa akin ang takot na naramdaman.
T-teka?! Anong nangyayari?!!
Kaagad akong natigilan nang hatakin ako ni Ethan papalapit sa kaniya dahilan upang mapalabas ako mula sa loob ng aking silid. Ngunit mas natigilan ako nang mapunta ang paningin ko kay Casper na ngayon ay madilim ang mukha at kuyom na kuyom ang kamao.
T-teka?.....
S-siya ba... ang may gawa nito?
"C-casper.." utal kong sambit sa pangalan niya at deretso ko siyang tiningnan. Hindi ko alintana si Ethan sa tabi ko o kung ano man ang magiging reaksyon niya dahil sa pangalang sinambit ko.
Bigla na lang nawala ang pagpatay-sindi ng ilaw at lumiwag na ng deretso ang paligid. Deretso ang tingin namin sa isa't-isa at nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Casper." ulit kong sambit sa pangalan niya na may pagkabiglang nararamdaman.
"Maya, something's wrong with my chest. It's pounding so fast and it hurts." mas gumuhit ang lungkot sa mga mata niya. "Maya.. don't come with him. You're hurting me.."
BINABASA MO ANG
SPECTER OF OUR PAST
RomanceUNEDITED | "I'm dead.. and yeah, still handsome to be a ghost." Kahahanap lamang ni Maya ng bagong matutuluyan na apartment nang maabutan siya ng ECQ at lockdown, ngunit sa kasamaang palad.. sa apartment na kanyang tinutuluyan, naninirahan ang multo...