Chapter 22

17.8K 295 77
                                    


Enjoy reading!

Nagtagal ako sa banyo. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ako rito sa loob. Hindi ko alam kung pakikinggan ko pa ba ang mga sasabihin niya. Ang mga paliwanag niya.

Nakatingin lang ako sa salamin dito sa loob ng banyo. Siguro naman wala na siya sa kwarto. Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa pinto at agad na binuksan. At laking gulat ko nang makita ko siya sa kama habang nakatingin sa 'kin. Kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang.

"Bakit narito ka pa rin?" Seryoso kong tanong.

"I told you, we need to talk." Sagot niya.

"Hindi pa ako handa na pag-usapan 'yon. Pwede ba sa ibang araw na lang?" Palusot ko. Tiningnan niya lang ako.

"No. Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nag-uusap." Sagot niya.

"Hindi---"

"Sit here. We will talk." Pagputol niya sa sasabihin ko at pinapaupo ako sa tabi niya. Pero hindi ko siya sinunod. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Malayo sa kanya. Ayokong lumapit. Wala akong tiwala sa sarili ko.

"Magsalita ka na."

"About the picture you saw before. Gusto kong linawin sa 'yo lahat. Ayokong mawala ka ulit sa 'kin...." Nakatingin lang ako sa kanya. Tinitingnan siya kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"That picture is not true. It's Grayson's birthday that night. At lasing na ako nang gabing 'yon kaya hindi na ako nakauwi. We are in the bar in the VIP room. And we had no idea that Meghan was there. Maniwala ka, please." Pagpapaliwanag niya. Napaiwas ako ng tingin nang may namuong luha sa mga mata ko.

Kaya ayokong mag-usap kaming dalawa dahil wala akong tiwala sa sarili. Kaya palagi ko siyang iniiwasan dahil natatalo ako.

"May n-nangyari ba sa inyo ng gabing 'yon?" Tanong ko at hindi ko napigilan na mautal.

Umiling siya."Wala. Walang nangyari sa amin. Kumuha lang siya ng litrato naming dalawa habang tulog ako para sirain tayo."

Maniniwala ba ulit ako? Ang hirap. Ang hirap maging tanga.

"Hindi rin ako umuwi nang umagang 'yon dahil nagka emergency meeting sa kompanya dahil may problema. Gustong-gusto ko ng umuwi ng araw na 'yon. Gusto kong magpaliwanag sa 'yo noon pero naunahan na ako ni Meghan."

"Dahil ganon ka naman. Niloko mo na ako noong una. Kaya posible na gawin mo ulit sa 'kin kaya naniwala ako." Sagot ko.

"No, baby. Maniwala ka nagbago na ako. Simula noong unang iniwan mo ako. Doon ko napagtanto lahat na hindi ko kaya kapag wala ka." Sabi niya.

"Please, stay. I don't want to waste another years again. Please, Anthonette." Nakaramdam ako ng awa. Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Pero kailangan kong mag desisyon.

"Hindi ko alam, Aiden. Ang hirap na ibalik ang tiwala ko sa 'yo. Nandon pa rin yung takot ko na baka ulit-ulitin mo lang din ang pagkakamali mo samantalang ako paulit-ulit lang ding tanga." Hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko. Pero agad ko rin namang pinunasan.

Nang makita niya 'yon ay agad siyang tumayo at akmang lalapit sa 'kin nang magsalita ako.

"Huwag. Huwag kang lumapit sa'kin dahil hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ang sarili ko. Please, Aiden, ayoko ng masaktan ulit. Ayoko ng makita ang sarili ko na umiiyak ulit dahil sa 'yo." Huminto siya dahil sa sinabi ko. Napahilamos siya ng mukha na para bang nahihirapan din sa sitwasyon namin ngayon.

"I'm sorry. Alam kong hindi sapat ang sorry ko. Pero sana hayaan mong bumawi ako sa 'yo at sa anak natin. Kahit sa anak na lang natin." Sabi niya sa mahinang boses.

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon