Enjoy reading!Pagkatapos ng paghaharap namin ni Tita Maryen ay nanatili sila sa apartment ko. Nang makita ko si Red sa isang sulok ay agad ko siyang nilapitan. Nangako siya sa 'kin. Pero bakit narito ngayon ang mama ni Aiden?
"Akala ko ba hindi mo sasabihin?" Tanong ko sa kanya. Halatang nagulat siya nang makita ako sa harap niya.
"Anthonette,"
"Kahit kailan hindi ka talaga mapagkatiwalaan. Syempre, kaibigan mo si Aiden kaya dapat lang maging loyal ka sa kaibigan mo." Sabi ko.
"Yes, nag promise ako sa 'yo na hindi ko sasabihin kay Aiden. Hindi ko naman sinabi. Sa mama niya lang," sagot niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa sagot niya. Tama naman siya. Hindi nga alam ni Aiden. Pero alam naman ng mama niya.
"Ganon pa rin 'yon." Sagot ko at agad na umalis sa harap niya. Maiinis lang ako kapag nagtagal pa ako roon.
Pagsapit ng hapon ay nagpaalam na si Tita Maryen. Samantala, tiningnan ko naman ng masama si Red.
"Bukas ay babalik ako rito. Sasama ako sa check-up mo." Nakangiting sabi ni Tita Maryen.
"Hindi na po kailangan. May kasama naman po ako--"
"No. Sasama ako. Kaya hintayin mo ako rito. Maaga ako bukas." Agad na sagot niya. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
"Sige po." Sagot ko. Agad siyang humalik sa pisngi ko at tuluyan ng lumabas.
"Kita mo na? Hindi mapagkatiwalaan 'yang Red na 'yan." Inis na sabi ni Shiela.
"Hindi ko rin naman maitatago 'to, Shiela. At hindi ko alam kung kailan ko maitatago 'to kay Aiden. Lalo na ngayon na alam na ng mama niya." Sagot ko.
"Sana nga tumupad din sa usapan ang mama niya. Naku, sigurado kapag nalaman 'yan ni Aiden ay wala kang kawala." Sabi niya.
---
Kinabukasan ay maaga akong gumising at naligo. Ngayong araw ang check-up ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto.Pupunta na sana ako sa kusina nang may kumatok sa pinto. Hindi ko alam kung si Tita Maryen na ba 'yan o si Shiela. Kaya imbis na sa kusina ay naglakad ako papunta sa pinto.
Pagbukas ko ay agad kong nakita si Shiela at si Tita Maryen. Magkasama sila.
"Good morning, hija." Bati ni Tita Maryen sa 'kin.
"Good morning po." Bati ko rin sa kanya.
"Pasok po kayo." Sabi ko at mas nilakihan ang pagbukas ng pinto.
"Thank you. Nakahanda ka na ba? Doon tayo pupunta sa family doctor namin." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Don't worry, hija. Hindi malalaman ni Aiden 'yon." Agad na dugtong niya.
"Tara na? Sa restaurant na tayo kumain ng umagahan." Nakangiting sabi niya. Nagkatinginan kami ni Shiela.
"Sige po." Sagot ko. Agad kong kinuha ang sling bag sa kwarto at sabay kaming tatlo na lumabas sa apartment ko.
Paglabas sa gate ay may naka hintong isang puting kotse. Bumaba ang driver at agad kaming pinagbuksan. Sa front seat umupo si Tita Maryen. Samatalang kami ni Shiela ay sa backseat.
At habang nagba-byahe ay panay ang kausap sa 'kin ni Tita Maryen. Marami siyang tinatanong sa akin tungkol sa pagbubuntis ko. Sinasagot ko naman.
Naputol lang ang pag-uusap namin nang huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang hospital. Hindi na namin hinintay na pagbuksan kami ng driver. Agad ko ng binuksan ang pinto at lumabas. Ganon din ang ginawa ni Shiela.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
RomanceSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...