Chapter 24

18K 325 64
                                    


Enjoy reading!

Kinaumagahan, pagkadilat ng mga mata ko ay mukha agad ni Aiden ang nakita ko. Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa. Sinubukan kong lumayo ngunit hindi ko magawa dahil nakayakap siya sa 'kin. Pilit kong tinatanggal ang braso niya sa baywang ko pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin.

Nasaam na ba ang anak ko? Bakit wala na siya rito sa gitna namin. Ang aga naman gumising. At ngayon ko lang naalala na may pasok pala ngayon.

"Good morning." Bati niya sa 'kin.

"Morning. Paki tanggal ang braso mo sa baywang ko." Utos ko. Pero hindi niya ako pinansin. Nanatili pa rin ang braso niya roon.

"Aiden." Tawag ko sa kanya.

"What?" Tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nagulat ako ng mas inilapit pa niya ang katawan ko sa kanya. At halos mag dikit na ang mga labi namin.

"Can I kiss you?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya agad. Nakatingin lang ako sa kanya. Isang galaw na lang ay mahahalikan niya na ako. Pipikit na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Josh.

"Mama, papa." Tawag niya kaya pilit akong lumayo kay Aiden ngunit mahigpit pa rin ang yakap niya sa 'kin. Lumapit si Josh sa amin. Nagulat pa ako dahil naka suot na siya ng uniform niya.

"Good morning, mama." Bati sa 'kin ng anak ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Good morning, papa." Nakangiting bati niya at hinalikan din si Aiden sa pisngi.

"Morning, son."

"Mama, kiss mo rin po si papa." Napatingin ako sa anak ko dahil sa sinabi niya. Ako? Ikikiss si Aiden?

Hindi ko pinansin ang utos ng anak ko. Buong lakas kong tinanggal ang braso ni Aiden sa baywang ko at agad na bumangon. Balak ko na sanang lumabas ng kwarto nang magsalita ulit si Josh.

"Mama, kiss mo na si papa." Nakangusong sabi ng anak ko. Tiningnan ko naman si Aiden na ngayon ay may nakakalokong ngiti habang nakatingin sa 'kin. Male-late na ako sa school kapag nagtagal pa kami rito.

Bumalik ako sa kama at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Agad ko siyang hinalikan sa pisngi ngunit bigla siyang humarap kaya sa naglapat ang mga labi namin. Napalaki ang mga mata ko kaya agad akong lumayo sa kanya.

"Yehey!" Sigaw ng anak ko at agad kaming niyakap. Tiningnan ko si Aiden nang masama. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa 'kin.

Hindi na ako nagsalita pa. Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit at agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa banyo. Nakatingin lang ako sa salamin. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi niya. Ano ba 'yang iniisip ko.

Binuksan ko ang gripo sa lababo at agad na naghilamos ng mukha. Kailangan ko ng magmadali dahil siguradong late na ako. Hindi na ako nagtagal pa sa banyo. Ilang minuto rin akong naligo at pagkatapos ay lumabas ako ng banyo na tanging tuwalya lang ang suot.

At saktong paglabas ko ay kalalabas lang din ni Aiden sa kwarto kaya nakasalubong ko siya. Napahinto ako at ganoon din siya. Saglit ko siyang tiningnan. Nakita kong nakatingin siya sa tuwalya na bumabalot sa katawan ko. Napaiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang paglalakad papasok sa kwarto. Agad kong nilock ang pinto.

Pagkatapos kong magbihis at ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto dala ang bag na palagi kong dinadala sa school. Doon ko nilalagay lahat ng mga gamit ko.

"Good morning, hija." Bati ni Manang Gina habang inaayos ang pagkain ni Josh.

"Good morning din po, Manang Gina." Bati ko.

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon