Chapter 19

16.1K 321 63
                                    


Enjoy reading!

Gabi na nang matapos ang birthday ni Shiela. At dahil inaantok na rin si Josh ay nagpaalam na ako kay Shiela.

"Thank you sa pagpunta." Sabi niya at hinalikan sa pisngi ang anak ko.

"You're welcome po, ninang." Inaantok na sagot ng anak ko.

"Sasakay lang ba kayo sa jeep? Pasensya na hindi ko kayo masasamahan sa pag-uwi. May mga bisita pa kasi." Sabi niya.

"Okay lang. Kaya naman namin. At saka isang sakay lang naman." Sagot ko.

"Hatid ko na kayo." Napatingin ako sa likod ko nang magsalita roon si Diether.

"Ninong." Tawag sa kanyan ng anak ko. Agad niyang binuhat si Josh.

"Antok ka na ba?" Tanong niya. Tumango lang ang anak ko at yumakap sa kanya. Tinuturing ni Josh si Diether bilang pangalawang ama niya. Kaya magkasundo sila palagi.

"Mabuti na lang at nandito pa pala si Diether." Nakangiting sabi ni Shiela.

"Hindi na. Kaya naman namin." Pagtanggi ko.

"Okay lang. Hatid ko na kayo. Tara na." Pamimilit niya. Tiningnan ko naman si Josh na ngayon ay mukhang tulog na sa balikat ni Diether. Wala akong nagaww kundi ang sumang-ayon na rin. Tumango lang ako. Agad na akong nagpaalam kay Shiela at naglakad papunta sa kotse ni Diether.

Binuksan ko ang back seat at pumasok doon. Sunod ay ang anak ko. Pinahiga niya habang ang ulo ay nakapatong sa hita ko.

"Thank you." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti lang din siya at sinarado ang pinto. Agad siyang umikot at pumasok sa driver seat.

Ilang minutong byahe ay agad na huminto ang kotse sa harap ng apartment ko.

"Thank you sa paghatid." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"You're welcome. Para ko na ring anak 'tong si Josh." Sabi niya at agad na lumabas ng driver seat at binuksan ang back seat. Nagulat pa ako nang buhatin niya si Josh. Hindi na ako nagsalita. Lumabas na rin ako at sinundan siya papasok sa loob ng gate. Pero agad din akong napahinto nang nagulat ako sa dumaang sasakyan at ang bilis ng takbo. Wala namang humahabol sa kanya. Baka mayabang lang talag yung driver.

Agad ko ng sinara ang gate at sumunod kay Diether na ngayon ay buhat-buhat pa rin ang anak ko. Binilisan ko ang paglalakad at ako na ang nagbukas ng pinto.

"Saang kwarto?" Tanong niya. Agad kong tinuro ang isang pinto. Iisang kwarto lang naman kami ng anak ko. Dahil isang kwarto lang naman talaga ang meron dito. At ang isang pinto ay banyo na namin.

Pagkapasok niya sa loob ng kwarto ay agad niyang pinahiga sa kama si Josh.

"Mukhang napagod si Josh sa birthday ni Shiela." Sabi niya.

"Kaya nga. Siguro kung nag jeep pa kami ay mahihirapan ako. Kaya thank you talaga." Sagot ko.

"Wala 'yon. Sige uuwi na ako." Sabi niya. Sabay kaming lumabas ng kwarto at hinatid siya hanggang sa gate.

"Ingat." Pahabol kong sabi. Tumango lang siya at pumasok na sa loob ng kotse. Agad na rin akong pumasok sa loob ng gate at sinara.

---

Kinabukasan ay umalis kami ulit ng anak ko. Maghahanap kami ng pwedeng iregalo kay Tita Maryen para sa birthday na gaganapin mamayang gabi.

"Hindi ko alam kung ano ba ang pwedeng iregalo kay madam. Mukhang lahat yata meron na siya." Reklamo ni Shiela habang naglalakad kami sa loob ng mall. Kahit ako ay nahihirapan din kung ano ba ang pwedeng iregalo sa kanya.

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon