Enjoy reading!"Saan ba kasi tayo pupunta, Aiden?" Kanina pa ako tanong nang tanong sa kanya habang patuloy siya sa pagmamaneho. Bigla niya na lang akong hinila kanina pagkatapos naming kumain ng umagahan.
"I just want to be with you today." Sagot niya at sumulyap sa 'kin.
Totoo nga ang sinabi niya kay Mrs. Concepcion na may pupuntahan kami. At ito kami ngayon, bumabyahe at hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta.
Pero pamilyar ang daan na 'to sakin. Parang nakapunta na ako rito. Hindi ko lang maalala.
Ilang minuto pa ang naging byahe namin hanggang sa huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang gate. Ilang sandali lang ay bumukas 'yon at agad na pumasok ang sasakyan namin. At laking gulat ko nang malaman ko kung nasaan kami.
Nauna siyang bumaba kay sumunod ako.
"Mama, papa!" Sigaw ng anak ko habang tumatakbo at niyakap ako. Habang nakasunod sa likod niya ang magulang ni Aiden at ang mga magulang ko? Paanong narito ang pamilya ko? Galit sila kay Aiden.
Pagkatapos akong yakapin ni Josh ay agad siyang nagpa karga kay Aiden.
"Hija, mabuti at sumama ka kay Aiden," sabi ni Tita Maryen. Kung alam niyo lang po. Pinilit lang ako ng anak niyo.
"Good morning, hija." Bati ni Tito Nelson.
"Good morning din po." Bati ko. Pagkaraan ay napatingin ako kay mama at papa na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa akin. Sa tabi nila ay ang dalawa kong kapatid.
"Ma, pa. Paano--"
"Nag-usap na kami, hija. Sinabi ko sa kanila ang totoo. Humingi kami ng tawad sa kanila. Kaya inanyayahan ko sila rito para sa isang salo-salo mamayang gabi." Paliwanag ni Tita Maryen.
"Mabuti siguro sa loob na tayo mag-usap." Singit ni Tito Nelson. Nauna silang naglakad kasabay ang pamilya ko habang ako naman ay mag-isang naglakad at sa likod ko ay si Aiden na karga-karga ang anak namin.
-
Pagsapit ng gabi ay abala ang mga kasambahay sa pagluluto. Dumating na rin si Matthew na galing pa sa San Miguel. Hindi na rin ako pinayagan ni Tita Maryen na umuwi dahil dito rin matutulog ang pamilya ko.Habang nakaupo ako sa sofa sa sala ay lumapit si Tita Maryen sa 'kin at umupo sa tabi ko.
"Hija, mukhang nakalimutan mo na birthday ngayon ng asawa mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Napaisip ako kung anong araw ba ngayon. Birthday ni Aiden ngayon. Nakalimutan ko.
Kaya pala abala ang mga kasambahay sa kusina sa pagluluto dahil birthday ni Aiden ngayon. Kaya pala kompleto kaming lahat. Sa ilang taon na naghiwalay kami ay pati ang birthday niya ay nakalimutan ko na rin.
"Go, hija. Naroon siya sa kwarto ni Josh. Puntahan mo." Sabi ni Tita Maryen at umalis sa tabi ko.
Agad akong tumayo at naglakad papunta sa kwarto ni Josh.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Aiden na nakaupo sa kama habang binabantayan si Josh na natutulog. Napatingin siya sa 'kin nang pumasok ako.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Mahina kong tanong. Inayos niya ang kumot ni Josh at tumayo.
"Let's go." Mahina niyang sabi at naunang lumabas ng kwarto at sumunod ako.
May binuksan siyang sliding door at agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Pagkaraan ay umakyat siya sa isang hagdan kaya sumunod din ako. At namangha ako sa nakita ko. Isang rooftop.
Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mga nakikita ko. Ang mga nag gagandahang ilaw mula sa mga bahay at sa mga matataas na gusali sa malayo. Ang gandang pagmasdan.
![](https://img.wattpad.com/cover/198351420-288-k531284.jpg)
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
RomantizmSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...