Enjoy reading!
NANATILI ako sa pinaka-huli kasama si ma'am Shiela habang ginagala kami ni Aiden sa kaniyang resort. Pinipilit kong magtago sa tuwing lilingon siya.
Bakit nga ba ako magtatago sa kanya? Wala akong kasalanan. Siya pa nga ang may kasalanan sa akin, kaya dapat siya ang matatakot sa 'kin.
Pero bakit ako yung natatakot? Bakit ayaw kong makita niya ako rito sa resort niya? Dahil siguro ayaw ko pa siyang makita. Dahil galit pa ako sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko kapag nagkita na kami.
"Ma'am Anthonette, ang ganda talaga rito sa resort ni kuyang gwapo. Tama nga si ma'am Laina ang ganda rito," nakangiting sabi ni ma'am Shiela habang naglalakad.
Wala akong alam na mayroon siyang ganitong resort noon. Ang alam ko lang ay mayroon silang kompanya na gusto niyang makuha mula sa mga magulang niya kaya pinakasalan niya ako.
Huminto kaming lahat sa paglalakad. Humarap si ma'am Laina sa amin at ganoon din si Aiden. At doon nagtama ang aming mga tingin. Pinipilit kong maging matapang habang nakatitig sa kanya.
"Mga kapwa ko guro. Gusto kong ipakilala sa inyo si sir Aiden Sarmiento. Siya ang may-ari ng resort na ito." Pagpapapakilala ni ma'am Laina sa kaniya.
Pagkaraan ay ako ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa.
"Sir Aiden! May girlfriend ka na po ba?" Biglang tanong ni Shiela kaya napatingin siya sa gawi namin.
"I'm already married," biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang sabihin niya 'yon. Huwag siyang magkakamali na sabihin sa lahat ang tungkol sa amin.
"Ay sayang," bulong ni Shiela sa tabi ko. Tumingin siya sa 'kin.
"Ikaw ma'am? May itatanong ka ba kay sir Aiden?" Tanong niya. Umiling ako bilang sagot.
Ilang minuto pa ang pag-uusap nila ni ma'am Laina habang kami ay tinulungan ng mga staff ng resort upang ituro sa amin ang mga kubo na paglagyan namin ng mga gamit. Sa isang kubo ay tatlong tao. At ang kasama ko ay si Shiela at ang isa pang kapwa ko guro.
"Pinapasabi po pala ni sir Aiden na kakain po muna kayo ng tanghalian." Napatingin kaming tatlo sa babaeng staff na naghatid sa amin dito sa kubo. Hindi ko alam pero sa akin siya nakatingin. Sa akin ba niga sinabi 'yon?
"Saan ba pwedeng kumain dito?" Biglang tanong ni Shiela.
"Sasamahan ko po kayo sa canteen ng resort," magalang niyang sagot.
Habang naglalakad ay panay ang tingin ko sa paligid. Dinaanan namin ang malaking swimmimg pool. May mga naliligo roon at ang iba naman ay na sa gilid lang at naka-upo.
May nadaanan rin kaming isang sementadong bahay. Hindi naman kalakihan pero ang ganda ng disenyo.
Ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa canteen na tinutukoy ng babae. Maraming turista ang nasa loob at kumakain din. Naroon na rin ang mga kasamahan namin. Kumaway sila sa amin kaya agad na kaming pumasok sa loob at lumapit sa kanila. Mahabang lamesa ang sa amin. Kaya napapatingin ang iba sa puwesto namin.
"Ma'am Anthonette, dito ka na umupo," tawag sa akin ni sir Diether at tinuro ang bakanteng upuan na sa tabi niya. Tutal ay 'yon lang naman ang natitirang bakante ay roon na ako umupo.
Ilang sandali lang ay agad na may dumating ang mga pagkain. Nagulat pa ako sa daming nakahain sa lamesa namin. Halos lahat yata ng mga recipe rito sa canteen nila ay nasa harapan namin.
"Sobrang bait talaga ng may-ari ng resort na 'to. Pati pagkain libre," sabi ng kasamang guro namin na lalaki. Bakit niya ginagawa lahat nang ito sa amin? Hindi niya ba naisip na baka malugi siya sa ginagawa niya?

BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
RomanceSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...