Chapter 23

18.1K 307 24
                                    


Enjoy reading!

Pagkatapos ng iyakan at yakapan namin ng anak ko ay kinausap naman ako ni Mama Maryen. Naglakad siya kaya sumunod ako sa kanya. Huminto kami sa isang pinto at agad niyang binuksan iyon at bumungad sa 'kin ang maraming libro. Library yata nila ito.

"Pasok ka, hija." Sabi niya at naunang pumasok. Nakasunod lang ako sa kanya.

"Maupo ka." Utos niya. Agad akong umupo. Umupo rin siya sa kaharap kong upuan.

"Hija, I'm sorry." Biglang sabi niya.

"Bakit po? Wala naman po kayong kasalanan sa 'kin." Sagot ko.

Ngumiti siya sa 'kin. "I'm sorry sa ginawa ng anak ko, Anthonette. Alam kong hindi siya karapat-dapat para sa 'yo. Ilang beses kang nasaktan. Alam ko 'yon. Alam ko rin na hindi ka talaga pumuntang America noon. Pero huli ko na nalaman."

Ibig sabihin ay alam niya na lahat. Lahat ng mga nangyari.

"Pero, hija, hindi lang ikaw ang nasaktan sa mga nangyari. Gano'n din ang anak ko. Kahit hindi niya sinasabi sa amin ay ramdam kong nahihirapan din siya. Maniwala ka sa 'kin, hija, mahal ka ng anak ko. Sana ay mapatawad mo pa siya." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Hindi ko pa po alam sa ngayon. Ang gusto ko lang ay makasama ko ang anak ko." Sagot ko.

"Hayaan mo sanang bumawi siya sa inyo ni Josh." Sabi niya. Tumango lang ako.

"Salamat, hija." Sabi niya at ngumiti.

Pagkatapos naming mag-usap sa library ay pumunta kami sa kusina. Naroon na ang lahat. Mukhang kami na lang ni Mama Maryen ang hinihintay.

"I'm sorry, we're late. Let's eat our lunch." Sabi ni Mama Maryen at umupo. Umupo rin ako sa tabi ni Josh.

"Lola, nasaan po si Tito Matthew?" Tanong ni Josh habang kumakain.

"Nasa Japan ang Tito Matthew mo, apo." Sagot ni Mama Maryen.

"Bakit po siya nandoon?" Tanong niya ulit. Napatingin naman ang matanda kay Aiden kaya napatingin din ako.

"Siya ang nag attend ng meeting ko roon." Sagot ni Aiden habang nakatingin sa 'kin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Pwede rin po ba akong pumunta doon? Maganda po ba sa Japan?" Tanong ulit ng ni Josh. At sinasagot naman ni Aiden.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hinahayaan ko ang anak ko na magtanong. Tutal ay mukhang natutuwa naman sila sa kakulitan ni Josh.

Hapon na nang mapagpasyahan naming umalis at bumalik sa Sta. Barbara. Kapag nagtagal pa kami ay siguradong gabi na kami makararating sa apartment. Kaya agad ko ng inayos ang mga gamit namin ng anak ko. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito.

"Ihahatid ko kayo." Napatingin ako kay Aiden nang pumasok siya sa kwarto.

"Hindi na. Sasakay na lang kami ng jeep." Sagot ko at agad na isinara ang bag.

"Hayaan mong ihatid ko kayo. Pati ba naman 'yon ay pagbabawalan mo ako? Gusto ko lang maka sigurado na maayos kayong makauwi." Sagot niya. Hindi na ako sumagot pa. Agad kong kinuha ang bag at akmang lalabas na sana ng kwarto nang humarang siya sa dinadaanan ko.

"Ako na ang magdadala." Sabi niya at kinuha sa 'kin ang bag. Nauna akong lumabas ng kwarto habang nakasunod siya sa 'kin.

"Mama, uuwi na tayo? Sasama rin po ba si papa?" Nakangiting tanong ni Josh. Napatingin ako kay Aiden.

"No, son. Pero bibisitahin kita roon. Okay ba 'yon?" Sagot ni Aiden. Biglang nawala ang ngiti niya nang sabihin 'yon ni Aiden.

"Bakit po? Akala ko po ba bati na kayo?" Malungkot na sabi niya.

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon