Chapter 6

20.7K 355 68
                                    


Enjoy reading!

PAGKATAPOS namin kumain ay nagkanya-kanya ng labasan sa canteen kasama ang mga kaibigan. Kasama ko si Shiela at Diether na lumabas ng canteen. Napapagitnaan nila akong dalawa.

"Ma'am Anthonette, may gagawin ka ba bukas?" Biglang tanong ni Diether habang naglalakad kami.

Naramdaman ko naman ang pagsiko sa 'kin ni Shiela sa tagiliran. Kaya napatingin ako sa kanya. Todo ngiti siya sa 'kin na para bang nang-aasar.

"Naku, sir Diether may magagalit," atad kong hinawakan ang kamay ni Shiela nang sabihin niyq 'yon.

Nagtataka namang napatingin sa amin si Diether.

"May magagalit? Sino?" Takang tanong niya sa 'min.

"W-wala. Nagbibiro lang si ma'am Shiela." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Bukas? May gagawin ka ba? Gusto sana kitang yayain lumabas," sabi niya. Kapag ganitong bakasyon at walang trabaho ay kadalasang nasa bahay lang ako. Naglilinis, kumakain at natutulog.

"Pasensya na sir Diether. May pupuntahan kasu ako bukas." Pagsisinungaling ko.

"Ganon ba? Sayang naman. Siguro naman next na yayain kita, papayag ka na," sabi niya.

"Kung wala akong pupuntahan. Pwede ako." Sagot ko at ngumiti.

Nagpatuloy kaming tatlo sa paglalakad palabas ng building. Kaunti pa lang ang mga naroon na kasamahan namin. Ang iba ay abala sa pakikipag-usap sa mga kasama nila.

Nagulat ako nang hilain ako ni Shiela palayo kay Diether.

"Iba talaga ang ganda mo, ma'am. Pati si sir Diether nagkagusto sa 'yo." Nakangiti niyang sabi.

"Ano ka ba, ma'am Shiela. Baka mamaya may makarinig sa 'yo." Suway ko sa kanya.

"Okay fine. 'Yong asawa mo pala nandyan na," sabi niya at sabay tingin kay Aiden na naglalakad papunta kay ma'am Laina.

Agad namang lumapit ang lahat doon kaya nakigaya na rin kami. Ilang sandali kaming naghintay sa pag-uusap nila.

"Okay, mga teachers balik na sa mga sasakyan. Uuwi na tayo." Anunsyo ng principal namin. Agad namang naglakad ang mga kapwa ko guro sa mga naka paradang puting van na sinakyan din nila kanina.

"Bye, ma'am Athonette. Mag-enjoy kayo ng asawa mo." Paalam niya at naglakad  na palayo.

Habang ako ay nanatiling nakatayo sa pinag-iwanan sa 'kin ni Shiela. Doon pa rin ako sasakay sa kotse ni Aiden. Paano ako ihahatid no'n?

"Let's go?" Napatingin ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa 'kin.

Nauna akong naglakad papunta sa sasakyan niya. Habang siya ay nakasunod sa likuran ko. Huminto ako pagkadating ko sa kotse niya. Agad akong humarap sa kanya. Huminto siya sa harapan ko. Masyadong malapit ang katawan namin sa isa't-isa. Kaya agad ko siyang tinulak.

"Paano mo ako ihahatid sa apartment ko? Malayo 'yon dito. Sa kabilang bayan pa." Tanong ko.

"Sumakay ka na." Nagulat ako sa sagot niya. Agad niyang binuksan ang pinto ng front seat at hinihintay akong pumasok doon.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay. Agad niyang sinarado ang pinto at umikot papunta sa driver seat. Agad niyang pinaandar ang kotse. Napatingin ako sa mga nakahilerang puting van na sinasakyan ng mga kasamahan ko.

Hindi pa sila umaalis. Siguro ay may hinihintay pa na iba. Pero bakit kami mauuna? Hindi ba ay kami ang pinakahuling aalis dapat katulae nang kanina? Dinaanan namin ang mga puting van nang lumabas kami sa gate.

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon