Warning: SPG! [Sorry na agad sa spg.]Enjoy reading!
Nagulat ako sa ginawa niyang paghalik sa 'kin. Hindi ko agad siya naitulak kaya medyo nagtagal ang paghalik niyang 'yon. Pumikit ako at buong lakas siyang tinulak palayo sa 'kin.
"A-anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong.
"I miss you. Bawal ko bang halikan ang asawa ko?" Tanong niya.
"Lumayo ka, Aiden. Umuwi ka na." Iyon lang ang nasabi ko at agad na inubos ang tubig sa baso ko. Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko.
"Please, I'll stay here tonight. Ikaw lang mag-isa rito. Wala kang kasama." Pagmamakaawa niya.
"Kaya kong mag-isa. Sanay na ako." Sagot ko at hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Iniwan ko siyang nakatayo roon.
Pumasok ako sa kwarto at nilock 'yon at naghanap ng maisusuot na pambahay na damit. Pagkaraan ay lumabas na ako ng kwarto at agad kong nakita si Aiden na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Napakunot noo ako dahil wala pa naman akong naluluto na pagkain.
Napatingin siya sa 'kin at ngumiti at tinuro ang pinggan sa lamesa.
"Nagpa deliver ako kanina habang wala ka pa. Alam kong pagod ka sa trabaho kaya ayokong magluto ka pa." Sabi niya. Lumapit ako sa lamesa at nagulat ako sa dami ng mga pagkain na naroon. Dalawa lang naman kami ang kakain pero bakit ang dami naman.
"Bakit ang dami nito? Hindi natin mauubos lahat 'yan." Sabi ko.
"Ilagay na lang natin sa ref mo ang matitira. Let's eat?" Tanong niya at pinaghila ako ng upuan. Agad naman akong umupo. At ganon din ang ginawa niya. Magkaharap kami habang kumakain.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang samahan ako rito sa apartment ko. Kaya ko namang mag-isa. Sanay na ako. Hindi ako takot. Dapat ay kasama niya ngayon si Josh.
Pagkatapos nang ilang minutong pagkain ay nauna akong tumayo at dinala ang pinggan ko sa lababo. Hindi ko na hinintay pa ang pinggan niya at agad ko ng hinugasan ang pinagkainan ko. Ngunit napahinto ako sa paghugas nang naramdaman ko siya sa likod ko.
"Ako na ang maghuhugas. You should rest." Mahinang sabi niya mula sa likod ko. Ramdam ko ang malapad niyang dibdib sa likod ko.
"H-hindi na. Ako na ang bahala rito." Sagot ko at pinagpatuloy ang paghugugas. Pati ang pinggan niya ay hinugasan ko na rin.
"Okay. Lilinisin ko na lang ang lamesa." Sabi niya at umalis sa likod ko. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nilingon ko siya na ngayon ay abala na sa pagliligpit ng mga natirang ulam. Nilalagay niyo 'yon sa ref.
Nang matapos na ako sa paghuhugas at pagsisipilyo ay naghugas na ako ng katawan.
Halos kalahating oras ako sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung paano ko ba mapapauwi si Aiden. Hindi pwedeng dito siya matulog sa apartment ko. Tapos makokonsensya lang ako kapag sa sofa ko siya pinatulog o 'di kaya ay sa sahig.
Pagkatapos kong magbihis ay bumuntong hininga muna ako bago binuksan ang pinto ng banyo. Sinilip ko siya sa sala ngunit wala siya roon. Nasaan na kaya 'yon? Wala rin sa kusina. Siguro ay naisipan niya ng umuwi. Wala naman kasi siyang matutulugan dito dahil iisa lang ang kwarto. Alangan naman patutulugin ko siya sa kwarto. Hindi pwede 'yon.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at binuksan ang pinto ng kwarto. At nagulat ako nang makita ko roon si Aiden na nagpapalit ng damit.
Kaya pala wala siya sa sala. Narito siya sa loob ng kwarto. Pumasok siya rito na walang pahintulot ko. Lumingon siya sa kinatatayuan ko at tiningnan ako. Nakasuot lang siya ng manipis na shorts at puting damit.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
عاطفيةSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...