Chapter 18

16.6K 306 35
                                    


Enjoy reading!

Kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon. Masaya na ako na kasama ang anak ko. Masaya kami kahit dalawa lang kami. At sapat na sa 'kin na makita kong masaya ang anak ko.

Sa lumipas na limang taon ay wala akong ginawa kung hindi ang alagaan ang anak ko.

Ilang buwan pagkatapos kong manganak noon ay bumalik ulit ako sa pagtuturo. Kumuha si Tita Maryen ng mag-aalaga sa anak ko. Kaya hindi ako nahirapan.

"Mama, gusto ko ng cars." Pamimilit ng anak ko. Ilang beses niya ng sinasabi sa 'kin 'yan. Kahit na marami naman na siyang nabili. Pati ang hilig ng ama niya sa mga sasakyan ay mukhang namana niya pa.

"Tama na muna 'yan. Marami ka ng laruan." Sagot ko.

"Pero, ma...."

"Josh Emmanuel, huwag matigas ang ulo." Agad siyang tumahimik. Sa tuwing babanggitin ko ang buong pangalan niya ay alam niyang galit na ako.

Naglilibot kami ngayon sa loob ng mall ni Red. May bibilhin lang akong regalo para kay Shiela. Dahil malapit na rin ang birthday niya.

Hawak ko ang kamay ng anak ko habang mabagal kaming naglalakad. Tumitingin ako sa paligid. Baka sakaling may mahanap akong pang regalo kay Shiela. Marami na rin naman siyang damit.

Napahinto ako sa paglalakad nang may nakita akong mga bag. Napangiti ako. Bag na lang. Hawak ko pa rin ang kamay nga anak ko habang papalapit sa mga bag.

Iba't-ibang brand ng mga bag ang binebenta nila. Tinitingnan ko ang bawat bag. Kahit ako ay hindi rin makapili dahil sobrang ganda ng mga bag.

Huminto ako sa isang kulay brown na bag. Akmang hahawakan ko na 'yon nang may naunang kumuha. What the fuck! Tiningnan ko ang babae. At unti-unting napalaki ang mga mata ko. Meghan.

Nahalata niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa 'kin. At katulad ko ay napalaki din ang mga mata niya. At tiningnan ang anak ko.

"Anthonette...."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Kakausapin ba siya o maglakad palayo sa kanya.

"M-may a-anak ka na?" Nauutal niyang tanong habang nakatingin sa anak ko. Bigla akong kinabahan. Mahahalata niya kaya na kamukha ni Josh si Aiden? Huwag naman sana.

"O-oo. Sige alis na kami." Kinakabahan kong sagot at aalis na sana kami sa harap niya nang magsalita siya.

"He's Aiden's son, right?" Napatingin ako kay Josh. Hindi niya kilala ang tatay niya. Oo nagtatanong siya dati pa kung sino ang ama niya. Pero nagsinungaling ako sa kanya. Ayokong hanapin pa niya ang tatay niya.

"H-hindi. Kailangan na naming umalis." Sagot ako at mabilis na naglakad. Ngunit hindi pa kami nakakalayo ay nagsalita siya ulit.

"Don't worry. Hindi ko sasabihin sa kanya. Ayokong ang anak niyo ang sisira sa relasyon namin. Kaya igihan mo pa ang pagtatago." Sabi niya at ngumiti. Hindi na ako sumagot pa. Agad ko ng hinila ang anak ko palabas ng mall.

"Ma, sino po 'yon?" Tanong ng anak ko  habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya.

"Kakilala ko lang. Tara na maghanap pa tayo sa ibang mall." Sabi ko at mabilis na naglakad habang hawak ang kamay niya.

Ilang minutong paglalakad ay nakahanap ako ng mabibilhan ng regalo para kay Shiela. Pagkatapos naming bumili ay agad na kaming umuwi.

"Mama, bakit po yung kaklase ko kahit patay na ang papa niya ay nakita niya naman sa picture ang papa niya?" Biglang tanong sa 'kin ng anak ko habang nanunuod kami ng tv.

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon