Enjoy reading!
Pagkatapos nang pagkikita namin ni Aiden at hanggang sa pagbalik ko sa lamesa namin ni Diether ay ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Diether. Siguro ay nahalata niya rin ang pagkabalisa ko.
Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango. Nasa harap ko na mga inorder namin na pagkain.
"Kumain na tayo." Sabi ko at inumpisahan na ang pagkain.
Medyo kumalma na ako habang patuloy kaming kumakain. Panay na rin ang tanong sa 'kin ni Diether.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang napahinto sa pagkain si Diether at habang nakatingin sa likuran ko.
Napahinto rin ako sa pagkain. Halatang nagulat siya sa kung sino man ang nasa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko nang makita ko si Aiden doon.
Seryosong tingin ang mga mata niya sa amin ni Diether.
"Sir Aiden. Nice to see you again." Bati sa kanya ni Diether at tumayo. Nag-aalinlangan pa ako kung tatayo rin ba ako? O manantiling nakaupo habang nakatingin sa kanya.
Ano na naman ba ang gagawin niya ngayon? Manggugulo? Ipapahiya kami rito ni Diether? Bakit? Noong nakita ko sila ng babae niya lumapit ba ako sa kanila? Damn you, Aiden.
Agad na rin akong tumayo at umatras ng kaunti.
"Mukhang may date kayong dalawa," pagsisimula niya.
"Niyaya ko lang po si ma'am Anthonette na lumabas. Tutal ay bakasyon naman at walang ginagawa." Sagot ni Diether.
Hindi na muling nagsalita si Aiden. Nanatili ang mga mata niya sa 'kin.
"Kayo po, Sir Aiden. May kasama po ba kayo?" Tanong ni Diether sa kanya.
"Wala. May sinundan lang ako. At hindi ko akalain na dito pala siya pupunta at may kasamang lalaki." Sagot niya habang masamang nakatingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.
"Ganon po ba? Girlfriend niyo po, sir?" Tanong ulit ni Diether.
"Actually, she's my wife." Sagot niya.
"May ibang lalaki po?"
"Yes. She's cheating on me." Sagot niya. Napatingin ako sa kanya nang sinabi niya 'yon. Cheating! Siya pa ang may ganang magsabi niyan.
"Nandito pa po ba siya, sir?" Tanong ni Diether.
"Yes. Nasa harapan ko." Sagot niya na ikinagulat ko. Pati si Diether ay nagulat din sa sagot niya.
"What, sir?"
"Diether, umalis na tayo dito--"
"Why don't you tell him the truth, Anthonette?" Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ito ang tamang panahon para malaman ng lahat ang totoo. Damn it!
"Anthonette, anong pinagsasabi niya?" Naguguluhang tanong sa 'kin ni Diether.
"She's my wife." Si Aiden ang sumagot at pinakita ang singsing na suot niya.
"Is that true, Anthonette?"
"Diether, 'tsaka na ako magpapaliwanag sa 'yo. Mag-uusap lang muna kami." Sagot ko at naunang naglakad palabas ng restaurant. Talagang ginagalit ako ng lalaking 'to. Ayaw talaga akong tigilan.
Mabilis ang bawat lakas ko hanggang sa huminto ako sa isang tabi. Walang masyadong tao. Lumingon ako at nakita ko siyang naglalakad palapit sa 'kin.

BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 3: Aiden Sarmiento
RomanceSa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal sila at tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam. Nagpakasal silang dalawa dahil mahal nila ang...