Chapter Eleven : The Abduction

74 7 0
                                    

Tatlong araw makalipas sundan ni Guillian si Russell.

Simula din nang araw na iyon ay wala pang kumpletong tulog si Coach Guillian. Nangingitim na ang ilalim nang mata, hindi makakain nang husto at laging balisa. Magisa nalang sa buhay ang Coach, parehas nang wala ang nanay at tatay nito. Isang napakalungkot na buhay para kay Guillian kaya naman buhay niya na at pamilya ang team niya sa varsity.  

Nakatingin sa salamin si Guillian. Hindi maalis sa isipan niya ang lahat nang nangyari sa abondunadong Building. Naduwag siya. Hindi maintindihan ni Guillian ang nararamdaman para siyang may gustong kunin sa nakaraan na ala-ala pero hindi niya maabot. Para siyang may gustong bagay, pero hindi niya kayang makuha.

Tuluyang sumakit ang ulo ni Guillian na naging sanhi para masuntok niya ang salamin na nasa harap. Hindi pa ito nakuntento at sinuntok pa ito nang ilang beses hanggang sa magpirapiraso at malaglag ang tipak sa sahig, “Ahhhhhh!!!!!” Sigaw nito na gulong-gulo na sa pangyayari. Unti-unting sumirit ang dugo sa kamay ni Guillian at tumulo sa sahig.

Mula sa mga nagkalat na tipak nang bubog ay nakita nito ang repleksyon nang sarili. Hindi nito malaman kung anung maiisip o dapat niyang gawin.

Hanggang sa nang mapagod ang isip at katawan sa emotional at physical stress ay tinungo na nito ang kama at nahiga na lamang.

Isang hindi pamilyar na pangyayari ang sinalaysay sa panaginip niya;

Karaniwang araw nuon nang mangyari ang hindi inaasahang pagguho nang halos kalahati nang pinaka matandang gusali sa St. Augustine Academy.

“Wag mong iiwan ang kapatid mo kahit anung mangyari ah” Sambit ni Deo ang Ama nila Naithan at Guillian Samaniego.

“Opo Papa” Sambit ni Naithan, “Akong bahala kay Ian” 

Arkitekto si Deo na punong abala para sa renovation nang Building A o ang lumang gusali na naabanduna na. Dahil sa byudo na ay walang mapagiiwanan nang araw na iyon si Deo kaya naman sinama nito ang dalawa niyang anak. Normal niya na itong ginagawa lalo na pag kapos na sa oras at wala na talagang ibang options pa.

Hindi kalayuan sa lugar ay naglalaro ang magkapatid;

“Kuya Nat-nat, wag mo kong iiwan ah” Sambit ni Guillian habang hawak-hawak ni Naithan.

“Oo hinding-hindi” Ngiti nito sa kapatid.

“Pangako kuya?” Tingin sa kuya Naithan niya.

“Oo Ian, pangako” Sabay kurot nang ilong ni Guillian.

Naglalaro nang bola ang dalawa nang biglaang napalakas ang hagis ni Guilian at napadpad ito sa looban nang Building A;

Kakikitaan si Guillian nang malungkot na awra dahil sa bigay pa iyon nang nasira niyang ina. Dahil sa napansin ni Naithan ang kalungkutan nang kanyang nakababatang kapatid ay naiisip niitong sundan ang napuntahan nang bola at suongin ang building para kunin ito, “Saglit lang Ian ah. Kukunin ko lang ang bola. Dito ka lang ah” Sabay ang hamak sa ulo nito.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon