Chapter Twenty : The Lies and The Truth

36 4 0
                                    

DAY 03: June 17

Buo na ang pasya ni Alfred, hinding-hindi niya tutulungan si Tyson para lang sa sarili nitong kapakanan, alam ni Alfred na pagtinulungan niya ito ay siya pa ang maiipit sa dulo. Kahit anu pa ang sabihin at awang ipamalas sa kanya ni Tyson, sapat na ang dinanas niya dito dati para tulungan pa ito. Dahil kung tutulungan niya ito ay para siyang humanap nang mataas na lugar para talunan at magpakamatay.

             

On the phone with Maggie;


“Bakit biglaan ka nga palang nawala kahapon? Saan ka ba nagpunta?”


“Ako? Kahapon? E pagpunta ko dun hindi ko na kayo naabutan e” nagtataka.


“Anung hindi. Nandun ka kaya, ang weird mo nga e, nung nagumpisa yung assembly nandun ka. Pinakilala ko pa nga sayo yung mga bagong recruit at ang bago mung work buddy na si Zoe. Nakalimutan mo na ba?”


“Ahh.. Hindi hindi naman” Napaisip nang husto.  


“Speaking of her, magbaback out daw siya”


“Huh! Bakit?!!”


“Hindi ko alam. Ikaw nga sana ang tatanungin ko, may ginawa ka ba sa kanya?”


“Wala” Napaisip, “Ang alam ko wala”


“Sige may aayusin pa ako e. later” Sunod ang pagbaba.

Nagtataka si Alfred, alam niya at sigurado siyang hindi siya nakapunta kahapon sa meeting dahil sa nahuli siya. At wala siyang ginawa kay Zoe kasi hindi niya naman ito nakita kahapon at hindi niya pa naman ito nakikilala.

Pumasok sa isip niya ang pangyayari kahapon nang magising siya na nasa gusali na. nakausap niya pa si Tyson at humingi ito nang tulong sa kanya. Dinahan-dahan nitong muling maalala ang pangyayari hanggang sa napagtanto nito na umalis din siya agad at—“Nadapa ako?”

“Tama, nadapa ako at tumama sa kung saan? Kaya siguro nawalan ako nang malay. Pero paano ako napunta sa hall?” pagtatanung nito.


Nang biglaan niyang makita si Westley;


              “West!!” Tawag at kaway ni Alfred,


Ngunit iiwas sana si Westley kay Alfred nang biglaan niya itong harangin.


              “West, iniiwasan mo ko? Bakit?” Pagtataka.


              “Hindi naman baka lang kasi tawagin mo akong idiot ulit” Hindi makatingin kay Alfred.            


“Huh! Tinawag kitang idiot?”


              “Bakit hindi mo na naalala!? Sabi ko na nga ba wala ka lang sa sarili nun!” Biglaang sigla ni Westley. “Pero seryoso wala ka talagang naaalala?”


              “Anu bang ginawa ko?” Nagtataka.


“Kahapon nakita kita galing ka dun sa kakahuyan”


              “Tapos?”


              “Tinawag kita, tapos nakita ko pa ngang may dugo ka sa noo, kaya nagalala ako, tapos bigla mo nalang akong tinawag na Idiot”

              “Paano nangyari yun?” Pagtatanung sa sarili.


              “Tol, okey ka lang ba talaga?” Hawak sa balikat ni Alfred.


Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon