Chapter Thirty Three : The 10th Room

30 3 0
                                    


Patindi na nang patindi ang guho nang gusali hanggang sa tuluyan na ngang napahiwalay si Alfred kay Russell, kahit pa hindi niya na makita pa ang kasama ay minabuti parin nitong ipagpatuloy ang paghahanap.

Habang alerto sa bawat pagbagsak nang tipak nang batong maaaring bumagsak sa kanya ay naruruon pa rin ang pagasa nitong mahahanap niya si Tyson. Hanggang sa mapansin nito sa may ulunan niya ang isang napakalaking parte nang kisameng mabilisang babagsak na sa kinatatayuan niya. Sa sobrang pagkataranta ay napakaripas nalang ito nang takbo papalayo sa babagsakan nang bulok na kisame.

Nang mailigtas ang sarili at mapagmasdan nito ang mabilisang pagbagsak nang kisame na maaaring pumatay sa kanya ay duon na nakaramdam nang panghihina si Alfred. Lumakas at bumilis ang takbo nang dibdib nito, duon niya na naradaman muli ang matinding takot, Nanlumo si Alfred sa mga nakita niya, nanlalamig na mga pawis ang umagos sa katawan niya, nanlambot ang mga tuhod hanggang sa napaluhod nalang sa may sahig.

Mas lalong tumindi ang pangamba ni Alfred dahil sa napansin nito ang palikid nang kinatatayuan, nasa gitna na pala siya nang hallway kung saan pinaliligiran nang malalaking tipak nang nalaglag na kisame. Para bang siya na rin mismo ang lumapit sa isang bitag nang kapahamakan na hindi niya alam labasan. Gustong sumigaw ni Alfred ngunit alam niya naman na sa lakas nang mga tunog na bagsakan nang mga naglalaglagang tipak ay walang saysay kung sisigaw pa siya.

Nagumpisa nang ma-ubo nang ma-ubo si Alfred at wala na halos makita pa sa kapal nang alikabok sa kabuoan nang lugar. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na rin siya nang kagustuhang sumoko na at umalis sa lugar.

Ngunit sa kalagitnaan nang pagaalala na nasabayan pa nang lubhang pagod sa katawan ay may nakapa si Alfred sa may sahig, sa gitnang bahagi nang hallway kung saan naruruon siya. Isang mistulang deretsong hati sa kahoy na sahig na humuhugis nang isang parisukat, mukhang isang, "lagusan!"

Hindi na nagdalawang isip pa si Alfred at agad na binuksan papataas ang pinto hanggang sa makita nga nito ang isang lumang lagusan, isang hagdan pababa. Habang bumababa ay unti-unting namamatyagan ni Alfred ang isang pamilyar na pinto, "Ang pang sampung pinto!!"

Tila nabunutan nang tinik si Alfred nang sa wakas ay makita ang pangsampung pinto sa isang lagusan. Nagmadali agad si Alfred na makababa sa mga baytang nang sa gayun ay makalapit at mabuksan na ang huling pinto.

Walang inaksayang oras pa si Alfred at binuksan na ang pinto, hanggang sa matagpuan niya na rin sa wakas si Tyson sa loob. Hindi alam ni Alfred kung makakahinga na ba talaga siya nang mahinahon o hindi pa, dahil sa kinasapitan ni Tyson nang kanyang madatnan.

Walang malay na kakikitaan nang paghihirap at panghihina ang kalagayan ni Tyson, ngunit bukod pa duon ay ang paraan kung paano siya ginapos ay siyang mas matindi. Nakagapos ang magkabilaang kamay ni Tyson sa malalaki't makakapal na lubid na nakasabit sa kisame gayun din ang paa nito sa may sahig na mistulang nakalutang dahil sa higpit nang pagkakatali. Nakahigit nang husto ang bawat dulo na halatang nagpapahirap pa lalo sa sitwasyon ni Tyson.

Agad na gumawa nang paraan si Alfred para maibaba si Tyson sa pagkakagapos nito sa lubid. Dalian itong kumuha nang matalas na bagay para ipanghati sa makapal na lubid at pinutol ito habang nakaalalay sa maaaring pagbagsak ni Tyson sa lapag.

Nang matanggal at maibaba ni Alfred ay minabuti muna nitong abserbahan ang pulso ni Tyson at tignan kung buhay pa ba ito. Mas lalong lumakas ang loob nito nang malamang may pulso pa si Tyson.

Ginising-gising na nito si Tyson, "Tyson, gising! Gising na Tyson!!"

Ngunit hindi naiwasang magtaka ni Alfred dahil may kalakasan na ang pagsigaw at pagtapik-tapik niya kay Tyson ngunit parang walang epekto ito sa kanya. Parang napakabisa nang pampatulog na tinurok sa kanya at ganun na lang siya kahimbing.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon