Chapter Twenty Five : Notice to the Public

42 5 0
                                    

     


Day 08: June 22,

(Makaraan ang Sabado at Lingo) 


Isang bulong-bulungan ang naabutan ni Zoe habang naglalakad papapasok, hindi man kalakasan ay narinig nito na tungkol ito sa bagong itatayong library sa school.


Mahilig magsulat si Zoe o Zamantha Oineza Emperial, kaya naman ang mga ganitong maliliit na detalye ay mahalaga para sa kanya kumbaga sa showbies, "Chismis" ang isang ito na hindi dapat pinapalampas.


Nang tuluyang makapasok ay sumalubong agad sa kanya ang kumpulan nang mga students na nasa harapan nang kakahuyang lagusan papunta sa gusali. "Excuse me, excuse me po! May dadaan!" Sa sobrang pagkainteresado sa kumpulan ay nakisiksik si Zoe sa mga ito para makita ang pinagkakaguluhan nila. May pagkamaliit si Zoe kaya naman kinailangan niya pang hawiin ang mga mas malalaki sa kanya na nauna sa pwesto sa harapan.


Nagtaka ito sa kanyang nakita. . .



"Anu to!?" Kakikitaan nang pagkagulat ang mukha ni Zoe.



Pinagmamasdan nito ngayon ang barikada na nakaharang sa lagusan nang kakahuyan, nakadikit din dito ang sign board na may nakalagay na warning sign na nagsasabing restricted na ang lugar para puntahan pa.


Naisip ni Zoe ang pangyayari nung nakaraan kung saan nahuli sila nang Principal na galing sa kakahuyan. Sigurdo siyang may kinalaman sila sa pangyayaring ito.


Isang biglaang assemble nanaman bago ang klase nila ang isinagawa. Isa-isang pinapunta agad ang mga students, staffs at pati faculty nang SAA sa hall para magtipon-tipon sa malaking announcement nang bagong Principal.


             


"Good Morning Students, Goodmorning Faculty and staff and to all here in front of me. As the New Principal of Saint Augustine Academy the board and i decided to have an all new building at the academe. A building that students and faculty will benefit, but that's not all because this library is not just a library" Binitin nang Principal ang pagsasalita at hinawakan ang isang malaking kurtinang tinatakpan nang kung anu at hila dito, "The All New electronic library" Sabay pagpapakita nang chart kung saan naruruon ang illustration nang bagong library na gagawin. "The library that every school wants, the library that nurture the gifts of everyone!" Sabay ang ngiti.


              Matapos magsalita nang Principal ay nagsalita na ang kanang kamay nitong si Mr. Sanchez, "At bilang umpisa nang nasabing construction, isinasara nanamen ang kakahuyan dahil duon na tin ilalagay sa centro ang nasabing silid aklatan. . ."



              Kanina pa hindi mapakali si Zoe. Habang nagsasalita pa lang ang principal ay tingin na ito nang tingin sa kung saan para sana hanapin si Alfred. Hindi niya nagugustuhan ang bawat isang sinasabi nang Principal, pabor man sa kanya ang bagong aklatan ay alam niyang may mas importanteng bagay pang mas dapat pagtuonan sa gusali bago ito gibain—"Marami ang maaapektuhan sa ganitong disisyon"

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon