Chapter Seven : The Mistaken Identity

86 8 0
                                    

“Sa makalawa na ang foundation day Clara. Manunuod ka ba?”

“Hindi ko pa alam Russell, kung hindi ba ako makakapanuod magagalit ka sa akin?”

“A little bit disappointed, but to get angry?—Diffenitely a no-no. Kung hindi ka man makakapunta, sayo ko nalang unang ipaparinig ang piece ko, Gusto mo?”

“Oo naman Russell!”

Daliang inilabas ni Russell ang Violin sa lagayan nito at naghanda sa pagtugtog.

“Anu bang pamagat nang Pyesang iyong tutugtugin?”

“Hiram na Oras”

Agad na kinutuban nang hindi maganda si Clara sa pamagat, pamilyar sa kanya ang pamagat na iyon, isang pamagat na kahalintulad nang binigay niyang pamagat sa pyesang ginawa ni Peter para sa kanya. Isang pamagat na naiambag niya sa katuparan nang pagbuo nang nilikhang obra ni Peter.

Nakita naman agad ni Russell ang hindi maipintang pagkatahimik ni Clara nang sabihin niya ang pamagat ng pyesa. Naisip nito na imbes na magtanung ay uumpisahan niya na lamang ang pagtugtog para nang sagayon ay mapangiti si Clara. Na lubos niyang napapangiti pag tinutugtugan niya. 

Nang maumpisahan ni Russell ang pagtugtog ay tuluyan nang kinabahan si Clara, isa lang ang tumatakbo sa utak nito at ito ay walang iba kundi ang matalik na kaibigang si Peter. Kahit ilang dekada na ang dumaan ay hinding-hindi mawawala sa kanyang ala-ala ang pyesang ginawa ni Peter para sa kanya. Alam ni Clara na ang naririnig niyang tinutugtog ni Russell ay ang likhang obra ni Peter. Hindi siya pwedeng magkamali sa bagay na iyon—“Si Peter ang gumawa nang pyesang iyan” Muli ay parang naglalakbay nanaman si Clara sa nakaraan, isa isang bumabalik muli sa kanyang ala-ala si Peter habang ginagawa ang pyesang tinutugtog ni Russell.

“Nagustuhan mo?” Sambit ni Peter kay Clara,

“Iyan ba yung ginagawa mo? Napakaganda naman, ano ang iyong ipapamagat?”

“Sa ngayon ay hindi ko pa alam, pero kung tutulungan mo ko ay tatanawin kong utang na loob iyon”

Napaisip. “Base sa naririnig ko taimtim ang pagkakakumpas sa mga nota, hindi mabilis hindi rin mabagal. Parang nang hihiram nang sapat na oras sa bawat kumpas bago ang mga susunod pa. Paano kaya kung –Hiram na oras!?”

“Magandang pamagat Clara! Simula ngayon ‘Hiram na oras’ na ang ipapamagat ko dito!”

“Parinig nga ulit, Sige na Peter!” Pagpupumilit ni Clara.

At muling tumugtog si Peter…

Dahil sa naalala ni Clara ay hindi niya na napigilan ang pagtatanung kay Russell matapos nitong tumugtog.

            “Paano mo nalamang tugtugin yan? Alam mo ba kung sinong nagsulat niyan!? Buhay pa ba siya? Alam mo ba kung nasaan na siya ngayon?”

            “Why, is it familiar to you Clara? Why are you asking?”

            “Gusto ko lang malaman, parang awa mo na sabihin mo sa akin Russell”

            May pagtataka sa isipan ni Russel sa pagmamadaling tanung at sa sobrang kagustuhan nitong malaman ang tungkol sa pyesa, kaya naman hindi na ito nagpatumpik-tupik pa at sumagot.

            “His alive Clara. In fact he taught and gave me these piece for my upcoming violin recital”

            “Anung pangalan niya?”

            “Si Maestro, Maestro—Peter Cezar. Why Clara, do you know him?”

            Nanghina bigla si Clara nang marinig ang pangalan ni Peter at nang malamang buhay pa pala ito, Ngunit dahil sa natuklasan ay nagbago rin ang tema nang pakiramdam nito. Nalungkot ito at gusto nang mapagisa.

            “Mauuna na ako Russell, biglaang sumama ang pakiramdam ko” Sambit ni Clara.

            “Did I say or do anything wrong Clara? What’s the matter?” Kinagulat na reaksyon.

“Wala naman ito Russell, kapaguran lang siguro ito” Tila gusto nalang maglaho ni Clara nang mabigla sa nalaman nito, ngunit ayaw niyang masira ang naunang plano kaya naman umalis nalang ito at nagtungo sa tinuturo-turo niyang lagusan para duon maglaho.

Nang mauna ay naiwang nakaupo pa rin si Russell, Ang sobrang pagtataka nito dahil sa kakaibang kinikilos ni Clara ang nagudyok kay Russell na sundan at suongin ang lagusan o shortcut na laging tinuturo at dinadaanan ni Clara sa tuwing magpapaalam sila sa isa’t-isa. Nais sanang magbakasakali ni Russell na sundan si Clara para mas makapagusap pa sila at makatulong ito sa biglaang pagbabago nang nararamdaman ni Clara.

Dahan-dahan itong binaybay ni Russell hanggang sa magulat siya sa natuklasan… Walang lagusan sa kabilang gilid nang gusali kundi isang Malaki, kunkreto’t napakataas na pader lamang. Agad na nagtaka si Russell at nahaluan na nang takot. Kinilabutan ito at napalaki ang mga mata. Sa isip nito ay paanong madalas siyang lumiliko rito para umuwi, samantalang wala namang daanan dito. Tumindi ang kaba ni Russell habang pinagmamasdan ang lugar at walang makitang kahit na isang shortcut o lagusan sa lugar.

Napalunok nang malalim si Russell at tila unti-unting tumatagaktak ang pawis pababa sa mukha nito. Hanggang sa kinilabutan ito at kinutuban nang masama kaya naman dali-dalian nang umalis sa lugar papatakbo.         

** ** **

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon