Chapter Twelve : The Insanity

71 5 0
                                    

Maglilimang oras nang wala si Russell.

Dahan-dahang idinidilat ni Russell ang mga mata niya, medyo may hilo pa dahil sa gamot na pinaamoy sa kanya. Nang tuluyang makadilat ay dahan-dahan ding agad na nasilip ni Russell ang lugar. Pamilyar sa kanya ang kanyang nakikita, unang bumungad sa kanya ang gulo-gulong tumpok nang upuan sa gilid at blackboard naman sa kabilang gilid nang kwarto. May kunting liwanag na nagmumula sa iisang bintanang sira, dahil habang nadadaanan niya nang tingin ang kabuoan nang lugar ay nakita niya rin na halos lahat nang bintana ay tinatakpan nang mga bloke nang kahoy.

            “Where am i?” Sa isip nito na medyo masakit parin ang ulo.

            Naramdaman din ni Russell ang sakit nang pagkakagapos nang dalawang kamay nito sa likod nang upuan at pati ang dalawang paa na nakatali sa paanan nang upuan kung saan siya nakaupo. Lalo pang nagpahirap kay Russell ang busal sa bibig na panyo.

            Gusto mang sumigaw ni Russell ay tanging halinhin nalang ang nagawa nito. Hirap na hirap man ay inuusog usog din nito ang upuan upang gawing ingay gamit ang natitira nitong pwersa.

            Hanggang sa bumukas ang pinto at dumaloy ang liwanag sa kinalulugaran niya sa kwarto, isang pamilyar na anino ang dumaan at huminto sa sinag nang liwanag na pumasok sa lugar.

            Hindi man klaro ang nakikita ay mukhang kilala na ni Russell kung sino ito. Naalala na nito kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon.

            “Gising ka na pala” Sambit nito.

            Habang tumatagal ay nagiging malinaw na kay Russell ang lahat at ganun din ang mukha nang may-ari nang pamilyar na anino—“Coach Guillian!” Wika ni Russell.

            “Ang tigas nang ulo mo!” Nanggigigil na wika pa nito habang papasok sa lugar, “Hindi ka mapagsabihan Russell. Hindi ka makuha sa isang salita!!”

            Pumipigwas-pigwas si Russell na tila nilalaban ang kanyang braso ganun din ang ulo nito hanggang sa matanggal nalang ang busal nito sa bibig.

            Hangos na hangos na nagsalita si Russel, “Why did you do this to me!? Anu bang problema mo!?”

            Natahimik si Guillian at may inalala…

            “Bata pa ako nuon nang mapadpad kami nang kuya ko sa Building A o yung abandonadong gusali ngayon. Kasama namen ang papa ko nang mga oras na iyon pero umalis siya saglit. Naglaro kami, kaming dalawa nalang ni kuya, napunta yung bola sa loob nang Building A. Nang biglaang gumuho ang lugar kung saan naruruon ang kuya ko dahil sa lindol” Tumutulo ang luha ni Guillian habang tuloy-tuloy na idiniditalye ang lahat nang nangyari. “Simula nuon hindi ko na siya nakita. Sumigaw ako, hinanap ko ang kuya ko. Pero wala na ang Kuya Naithan ko. Wala na siya Russell!”

            Napaisip si Russel, “That’s why your so afraid na pumunta ako dun?”

            Hindi makapagsalita si Guillian at nakatulala lang. Itsurang parang nasisiraan nang bait si Guillian nang oras na iyon.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon