Chapter Twenty Two : Strictly No Choice

49 5 0
                                    


 Day 04 : June 18


Papaabanting naglalakad papunta sa stage ang hindi mawaring ginang. Nagmamadali at kakikitaan nang kunot nang noo. May salamin ngunit halatang nanlilisik ang mata, lahat nang madaanan niya'y umaatras, nagtatago o di kaya ay naiihi sa takot.


Nang makarating sa stage, sa harap nang micropono.



"Good morning everyone I'm Mrs. Alyssa Michelle G. Natividad, and im your new Principal! I don't want any problems in my legacy, everything should be in my harmony and In my command. No more cellphones allowed during class hours, strictly NO ID, NO ENTRY should emphasize, no eating inside the room, and ofcourse if one of you will disobey my rules, there will be a prize—to the detention! We will give you immediately the new and revised student handbook. All the new rules will be implemented starting today. Understood?"


             


Gulat na gulat man ay sabay sabay na nagsipag sangayunan ang mga nasa biglaang assemble na iyon. *Para namang may choice sila*


Isang panibagong araw na puno nang takot at pangamba ang nangibabaw sa mga student nang SAA sa pangapat na araw nila sa school. Tila magiiba ang kanilang pangaraw araw na pagaaral dahil sa mga pinahayag nang principal sa kanila. Gulat man ang lahat ay nagsipagpasukan na ang mga ito sa kanikanilang classrooms.



11:26 Am


Napaaga ang dismissal nina Alfred at Westley kaya naman bago pumunta at kumaen sa Cafeteria ay nagtungo muna ang dalawa sa may locker area para magbawas nang dala,



"Terror!! Nakakatakot naman yung bago nating principal!" Reklamo ni Westley.



"Nangyari na yan e, wala na tayong magagawa. Kaya pala walang sumalubong sa atin nung first day kasi nagpalit nang principal" Wika ni Alfred.



"Kailangan 15 minutes early na rin before ang ring nang bell dapat nasa school na, kailangan suot ang I.D. all the time, tapos magkakaron na nang hallpass pag mag ccr o lalabas nang classroom na may klase!" Salaysay nito habang hawak ang bagong handbook, "Tapos di na pwedeng bumili sa cafeteria pag hindi lunch or vacant?! Ang higpit naman!" Dagdag pa nito.



Isang malakas na tunog nang bell ang umalingawngaw sa kabuoan nang hall. Kasabay nang mga student na nagmamadaling naglabasan sa kanya-kanyang classroom nila. Ang katahimikang kanina'y taglay nang hallway ay napalitan nang takbuhang dala nang mga padyak nang paa, pagbukas at pagsara nang locker mula sa mga student na may locker at usapang walang humpay nang mga ito habang kumikilos sa kalagitnaan nang mga student na nasa lugar.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon