Chapter Nine : The Test

78 7 2
                                    

Sa Abandonadong gusali habang magkasama pa rin si Russell at Clara;

“Bakit ngayon ka lang pala dumating? Kanina pa kita iniintay Russell”

“Sorry Clara… Pwede ba kitang kurutin sa pisngi?” Seryoso na nitong tanung.

“Bakit naman?” Pagtataka.

“Wala lang, Pwede ba?” Kinakabahan.

Nagtataka man ay pinagbigyan ni Clara si Russell “Sige”

Nang makuha ang go signal ni Clara ay agad niyang hinaplos ang mukha ni Clara. Nang mapagmasdan ang mukha ni Clara ay tila nagdalawang isip ito sa gagawin niya kaya naman inialis nalang nito ang kamay.

            “O akala ko kukurutin mo ko sa pisngi”

             “No, im just teasing you” Sabay ang tipid na ngiti nito.

            Sa isip ni Russell—“Hindi ko ata kaya ito, unahin ko nalang siguro yung mga madadali”

            Agad na tumayo si Russell sa pagkakaupo at binalak gawin ang unang test para malaman na spirits or ghost si Clara.

            “Saan ka pupunta Russell?” Nagtataka dahil sa biglaang distansiyang layo ni Russell.  

            “Wait lang” Sambit nito habang papalayo.,.  

Nang makalayo at makahanap nang lugar ay dali-daliang binanat ni Russell ang katawan at yumuko. Pagkayukong-pagkayuko nito ay wala siyang makitang Clara na nakaupo sa may puno. Kinabahan ito hanggang may biglaang nagsalita malapit sa kanya.

            “Ano bang ginagawa mo Russell?”

            Bumalik sa pagkakatayo si Russell at pumulot nang kung anu mula sa lupa. “Kanina ka pa ba diyan?” Sambit nito kay Clara na kinagulat niya matapos mapunta sa tabi niya.

            “Anu ba kasing ginagawa mo?”

            “a.. e… I’ll just drop something” Sabay tago nang kunwaring napulot, at lagay bulsa nito.

            Nagtataka man si Clara ay hindi na nito masyado pang pinahalata kay Russell ang naramdaman nito.

            Dahil sa hindi nagtagumpay ang unang ginawa ni Russell ay bumalik nalang ito sa pagupo kasama si Clara. Agad niyang binuksan ang bag at dali-daliang inilabas naman ang salamin.

“Anu yan Russell?” Biglaang tanung ni Clara kay Russell.

Dahil sa biglaang pagkagulat ay nabitawan naman ni Russell ang salamin na dahilan upang ito ay tumama sa bato na nasa tabi niya hanggang sa nabasag at nagpirapiraso.

“Pasenisya kana Russell, nagulat kita”  

Dahil sa nangyari ay lalong naging desperado si Russell, kaya naman inilabas niya na ang huling alas at ito ang camera.

“Para saan naman yan Russell? Kamera yan di ba?” Kinakabahang tanung ni Clara.

“Let’s take a shot?”Seryosong tanung nito habang nakatitig kay Clara.

“Wag na Russell” Kinakabahang tanggi ni Clara, alam ni Clara’ng maaaring ang isang ito ang ikakapahamak nang plano niya kaya lubos ang tanggi nito sa gustong mangyari ni Russell.

“Just one shot. C’mon” Pagpupumilit pa ni Russell.

“Ayoko Russell, wag na lang” Sabay ang pagpigil pigil sa kamay ni Russell.

“Why not!? It’s just a camera?” Lalong tuloy naghari ang pagtataka sa isip ni Russell na sa isip pa nito’y may tinatago nga talaga sa kanya si Clara, “Please Clara, just one shot” Sabay ang pagtutok nang kamera kay Clara.

Dahil sa nakita ni Clara na nakatutok na sa kanya ang kamera ay nagalit na ito, “Ayoko sabi Russell!!” Hanggang sa natabig ang Kamera at nalaglag ito, “Anu bang nangyayari sayo Russell?!” Napatayo sa pagkakaupo nito sa tabi ni Russell.

“Bakit ayaw mo ba kasi?” Napatayo din si Russell, “Tell me the truth who are you?? Or should I say what are you!?” Galit na mukha.

“Ano bang sinasabi mo?!” Nagtataka sa mga kinikilos ni Russell na naguumpisa nang kabahan.

“Don’t ever lie to me, please!! Just tell me the truth!! What are you!!?”

Natahimik at napayuko si Clara.

“I need the answer clara… Right now!!!”  

“Gusto mo ba talagang malaman?!” Napatingin nang deretso kay Russell.

Nakatitig lang si Russell kay Clara at tila walang balak na patirin ang seryosong mukha nito na nakatutok lamang kay Clara.

Humangin nang malakas at kasabay nang mga dahong nagpaikot-ikot kay Clara.

 Napalaki ang mga mata ni Russell, kahit pa man halos handa na ito sa mga malalaman niya ay hindi pa rin talaga nito kayang magbulagbulagan sa mga kakaibang pangyayaring tulad nito na hindi karaniwan sa kanya.

Pinipilit ni Russell na hindi mapikit sa biglaang buga nang malakas na hangin sa harap niya. Napaatras ito sa lakas nang hanging nararanasan nito, at kasabay ang takip sa mga mata at tindig para hindi mabuwal nang tuluyan.

Ngunit hindi nito kinaya ang lakas nang hangin at mga tipak at piraso na galing sa lupa kaya naman agad itong napapikit.

Hindi tumagal, muli ay binuksan ni Russell ang mga mata at nagulat ito sa kanyang napagmasdan. Kasabay nang malalakas na hanging pumupuwing at bumubuwal sa kanya ay ang unti-unting paglutang ni Clara sa ere. Napalakki ang mga mata ni Russell hindi ito makapaniwala sa kanyang mga napagmasdan. 

Lalo tuloy tumindi ang pagtatanung ni Russell sa kanyang isipan;

“Ano kaba talaga Clara? Anu ka ba?! Bakit mo nagawang itago sa akin ang lahat nang ito!? Paano mo ako naloko nang ganito Clara!” Takot at galit ang namamayani kay Russell nang oras na iyon.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon