Chapter Five : The Piece

94 6 0
                                    

Muling papunta si Russell sa kakahuyan na lagusan papunta sa gusali nang hindi niya napansin na nakita pala siya ni Coach Guillian, may pagtataka man ang bumalot sa isip nang Coach ay hindi na lang ito masyadong pinansin at dali-dali ay umalis na para sa susunod nitong klase.

            Nang makarating sa gusali ay napansin agad ni Clara ang dala-dalang Violin ni Russell.

            “Tumutogtog ka pala?” Sabay ang tingin sa Violin.

            “Huh?” Napatingin sa tinutukoy ni Clara—“Ahh, Oo” Sabay taas nang Violin, “Oo Clara, You wanna hear?” Pagtanung na nasundan nang ngiti at tingin sa mga mata ni Clara.

            “Oo naman Russell, karangalan kung mapakinggan kang tumugtog”

            Agad na binuksan ni Russell ang lagayan nang violin at naghanda sa pagtugtog.

            “Ready?” Nakangiti sa dalagita.

            Napatango nalang si Clara na kitang-kita ang kagalakan sa mata. Naging hudyat naman ito para sa paguumpisa ni Russell.  

            Habang tumutugtog ay pinagmamasdan ni Clara si Russell. Dahil sa taimtim na pagtugtog ay naging mas kumportable si Clara kay Russell, hanggang sa sumagi sa isipan nito ang isang ala-ala mula sa nakaraan nang ito’y nabubuhay pa.

            Sa bawat kumpas nang tugtog ni Russell ay unti-unting nagbabago ang kapaligiran ni Clara, tila ba parang pinapalitan ito nang nilalaman nang kanya mga baon sa nakaraan. Ang kakahuyan, mga puno pati na ang gusali ay nabalot nang mga ding-ding nang isang kwarto na may mga instrument tulad nang violin, piano at Cielo. Ang lupa ay naging sahig na gawa sa kahoy. At ang imahe ni Russell ay pansamantalang napalitan nang anyo ni Peter dahil sa ala-ala ni Clara.

            Ang isang tagpo mula sa nakaraan ay sandaling umusbong. Isang parte sa ala-ala ni Clara sa tuwing nakikinig at sinasamahan sa pagiinsayo si Peter. Isa na nga marahil ang ala-alang ito sa pinaka hindi niya makakalimutang tagpo kung saan kasa-kasama niya si Peter at naguumpisa na siyang magkagusto sa kamagaral.

            Isa rin ito sa mga nagpapabagal nang oras ni Clara na nagpapabilis naman nang tibok nang puso nito. Sa sobrang galing kasing tumugtog ni Peter ay wala na atang hindi magkakagusto sa kanya. Bukod pa dito ang maamong mukha ni Peter at pagkamabait.

            Nang matapos ang insayo ni Peter ay tanging palakpak nalang ang naiganti ni Clara sa kanya. Walang salitang maisip si Clara para ihambing at ilagay sa mga salita kung gaano ito kagaling tumugtog.

            “Para saan yun?” Tanung ni Peter.

            “Wala kasi akong maisip na salitang tatapat sa galing mo Peter”

            Napangiti si Peter. “Kaya dapat pumunta ka sa recital ko Clara, mas gagalingan ko pa pag andun ka—kung wala ka dun magtatampo ako sayo”

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon