Chapter Nineteen : In and Out

38 4 0
                                    



Dahil sa hindi pagiging kumportable sa lugar at mga tao sa paligid niya ay nagmadaling tumakas si Tyson sa org Assembly, naisip nito na ipagpatuloy nalang ang paghahanap sa mga kaibigang makakatulong sa kanya specipically kay Maui na kasama niya sa grupo. Minabuti nalang nitong hanapin ang isa pa niya kaibigan dahil sa pagiging desmayado sa inasal ni Glenn sa kanya.


              Habang naglalakad ay napaisip si Tyson kung saan nga kaya madalas magpunta ang kaibigan niyang si Maui. Sandali pa ay naisip nito ang hobby ni Maui na hilig ang pagpapawis sa basketball hall lalo pa sa mga ganitong oras nang uwian. Nang makaisip nang posibilidad ay wala na itong sinayang na oras at binilisan na ang pagtakbo at nagpunta na sa hall.


              Nang makarating ay isang grupo pala nang mga varsity player ang kasalukuyang naglalaro duon. Dahil sa umaatikabong game practice ay walang gustong magpadaig sa tig walang player nang kada grupo. Hindi naman alintana ni Tyson ang namumuong laban sa mga ito dahil may mas dapat siyang pagtuonan nang pansin, pamasid-masid na naghanap si Tyson.


              Hanggang sa makita nito ang pamilyar na likod ni Maui na kasama sa mga naglalarong player. Hindi man sigurado ay dahil na rin sa pagkadesperado nito'y hindi niya na pinansin ang laro at minabuting dumaan na mismo sa gitna nang court para kunin ang simpatya ni Maui.


              "Maui!! Maui!!!?" Tawag habang pagkaway-kaway nito sa kaibigan.


              Dahil sa kalabog nang bolang tumatalbog, sigaw nang iilang taong nanunuod, at maski ang tunog nang sapatos na pumapadyak nang pabalik-balik sa court, ay walang sino mang nakarinig sa kanyang tawag hanggang sa hindi inaasahang pangyayari ay natamaan siya nang bolang kasalukuyang ginagamit dito.


              May kalakasan ang paghagupit nang bola sa ulo ni Tyson, tumama sa eksaktong dereksyon kung saan siya naruruon, na nagresulta para siya ay mapahiga at mawalan nang malay. Sa lakas nang impact ding yun ay naluwa nang katawan ni Alfred si Tyson at napalabas ito nang tuluyan. Babalakin pa sanang pumasok ni Tyson, nang biglaang magising na si Alfred.


             


Nagsilapitan ang mga Varsity player;


              "Nasaan ako?" Sambit nito na tila hindi alam ang mga nangyari.




              "Tol, pasensiya na. Nagpapractice kasi kami, hindi ko sinasadya" Sambit nang player na nakatama nang bola sunod ang paglahad nang palad para maiangat si Alfred.




              "Ayos lang ako" Tayo at alis na rin ni Alfred.


Hindi alam ni Tyson kung bakit hindi na siya makapasok pa sa katawan ni Alfred. Paulit-ulit mang subukan ay hindi pa rin magawa ni Tyson ang gusto nito. 


              Muling bumalik sa ulirat si Alfred. Takang-taka ito sa nangyayari at pilit iniisip ang mga ala-alang dapat niyang malaman. Nagtataka man kung bakit siya naruon ay umalis na lang ito, para bang walang nangyari kahit sa isip nito ay alam niyang may pagkakamali.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon