Chapter Thirty Two : Breakdown

46 3 0
                                    


Nang tuluyang makapasok ang dalawa ay sumambulat sa kanila ang kabuoan nang lugar at ang mga pinto. "Itong-ito ang nasa panaginip ko!" Habang pinagmamasdan ni Alfred ang lugar, "Sabi nila dreams are meant to be real, Ano bang laman nang panaginip mo?" Usisa ni Russell.

"Sinusundan ko ang boses ni Tyson, hanggang sa mapadpad ako sa gusaling ito at makita ang—?" Nagtaka bigla si Alfred nang mapansin na siyam lang ang bilang nang mga pinto.

"Bakit? What's the matter?" Pagtataka ni Russell sa reaksyon ni Alfred,

"Sampung pinto... Sampung pinto ang nakita ko sa panaginip ko, Inisa-isa ko ang bawat pinto simula sa una hanggang sa pangsiyam pero hindi ko siya natagpuan duon. Malaki ang hinala ko na nasa pang sampung pinto pa si Tyson kaya hindi ko siya nakita"

"But there's only nine rooms here Alfred, Sigurado ka ba?"

"Hindi ako pwedeng magkamali. Malinaw ang panaginip ko, malinaw na sampung pinto ang nilalaman nang panaginip ko"

"Maybe we should investigate the place and find out kung anong meron sa siyam na pinto. Baka merong hidden room or passage sa loob kung saan mo nakita yung tenth room"

"Okey, Maghiwalay tayo para mas mabilis, ikaw na sa unang limang pinto at ako ang sa mga susunod" Sambit ni Alfred.

Aalis na sana si Russell nang pigilan siya ni Alfred, "Saglit lang Russell"

Napabalik nang tingin si Russell kay Alfred,

"Sa panaginip ko ay may mga kakaibang laman ang bawat pinto, ang iba sa mga pinto ay mapanganib at nakamamatay. Gusto kung makalabas tayo dito parehas nang ligtas"

"Okey Alfred"

Tumakbo na ang dalawa at naghiwalay nang paghahanap kay Tyson. Nang marating ni Russell ang unang pinto ay tumatak sa kanya ang paalala ni Alfred. Kumurot man ang kaba sa kanyang dibdib ay sanay na ito sa mga ganitong eksena kaya naman hinawakan niya na ang doorknob at dahan-dahang pinihit ito. Nang mabuksan ang unang pinto ay nakita nito ang kalumaan nang lugar, mga sira-sirang upuan at ang mga bitak sa pader at maging sa sahig. Hindi gaya nang mga nasa panaginip ni Alfred ay mukhang wala namang panganib na nagaabang sa bawat pintong bubuksan ni Russell; Isa-isa nang minadali ni Russell ang paghahanap hanggang sa matapos ito nang hindi pa rin nakikita si Tyson.

Nakaramdam nang matinding kaba si Russell nang may napansin ito sa may dingding at maging sa kisame. . .

Samantala;

Mukha ngang dala lang nang imahinasyon ang mga laman nang panaginip ni Alfred. Dahil sa pang anim, pito at walo ay wala naman itong nakitang kakaiba o maski kahalintulad nang naranasan niya sa kanyang panaginip. Pero bagaman nagpapasalamat sa pagiging safe ay mas lalo naman itong kinabahan para sa sitwasyon ni Tyson at kung nasaan na ba talaga ito.

Nang makatungtong na sa harap nang siyam na pinto si Alfred at hawak-hawak ang bukasan nang pinto ay isa lang ang nasa sa isip ni Alfred 'Na sana ay naruruon na si Tyson sa loob.' Dahan-dahan nitong pinihit ang hawakan hanggang sa tuluyan niya na itong nabuksan. Nagmadaling pumasok nang tuluyan si Alfred sa loob nang silid, walang hesitasyong kinalat ang paningin at hinalughog ang lugar, Ngunit hindi niya man kagustuhan ay wala nga sa pang siyam na pinto si Tyson. Muli ay nabigo nanaman ito sa paghahanap kay Tyson.

Sa puntong iyon ay hindi niya na napigilang sisihin ang kanyang sarili sa lahat nang nangyari. Alam niyang may nagawa siyang kasalanan kaya sila nasa punto nang ganito ngayon at kung bakit naging desidido ito sa paghahanap kay Tyson. Isang sekretong hindi niya pa nasasabi sa kahit kanino man lalo na kay Zoe.

Habang dala-dala pa rin ang bigat nang kalooban ay papalabas na si Alfred na walang nagawa at walang kasamang Tyson.

Paglabas na paglabas nang pinto ni Alfred ay nagmamadaling tumatakbo papalapit sa kanya si Russell. Habol hininga nitong kinuha ang braso ni Alfred at nagsalita, "Alfred, magcocolapse na ang building, we need to escape right away!"

"Huh?!!" Nabigla si Alfred sa sinabi ni Russell.

"Oo, c'mon lets go!!!"

Ngunit nagisip muna si Alfred,

"Alfred, c'mon!!"

"Hindi... Hindi ko pwedeng iwanan si Tyson!" Sabay alis nang kamay ni Russell sa braso niya.

"Are you crazy? Ni hindi nga natin alam if his still alive! Are you willing to sacrifice your life for him?"

"Ako ang may kasalanan nito! Kung hindi dahil sa akin matagal na naming nailigtas si Tyson, kung hindi dahil sa akin hindi magkakainterest ang principal na ipagiba ang buong building"

"Anong ibig mong ssabihin!??" Naguguluhan si Russell sa mga sinasabi sa kanya ni Alfred.

"Ako ang may kagagawan nang planong library sa building. Ako ang nagbigay nang aydiyang ipagawa at wasakin ang lugar na ito!! Kung hindi dahil sa akin ay nailigtas na namin ni Zoe si Tyson sa mas maagang panahon"

"You did all of that?!"

"Nagawa ko yun sa galit ko kay Tyson! Sa galit kung magantihan siya, Pero mali ako, at itatama ko yun!"

"But Alfred the building will collapse soon, it will be dangerous! Maaari mong ikamatay tong gagawin mo!"

"May kailangang gumawa nito at ako yun. Kailangan kong gumawa nang tama. Dahil mali na hindi ako tumulong nang mas maaga at maling sa mali ako kumampi. Mauna kana Russell, hahanapin ko pa si Tyson!"

"Fine. Lets do it faster, tutulong ako! Basta wag nalang tayong maghihiwalay" Sambit ni Russell.

Tumango nalamang si Alfred.

Agad na nagmadali ang dalawa sa pagkilos at paghahanap nang pang sampung pintong nakita ni Alfred sa panaginip niya. Muli nilang hinalughog ang siyam na pinto, mga sulok at ding-ding, maging ang sahig at dulo nang kabuoan nang lugar, ngunit habang tumatagal sila nang tumatagal sa gusali ay siyang unti-unti ding laglagan nang mga tipak nang kahoy at alikabok sa mga ding-ding at kisame.

"Tyson!!! Tysoonn!!!" Pagtawag-tawag nang dalawa. Isang pagbabakasakaling marinig sila ni Tyson.

Tumitindi na ang pagguho nang gusali, palaki na nang palaki ang naglalaglagang tipak nang bato at kahoy sa paanan nila, Desidido man ang dalawang hanapin si Tyson ay mukhang bumibigay na ang pagasang makita pa nila ito dahil sa unti-unting pagguho nang gusali.

Dahil sa mga naglalaglagan na bato ay lumilikha ito nang makakapal na usok, isang usok na mas lalong nagpapahirap sa kanilang paghahanap, hanggang sa mapalayo na ang dalawa sa isa't-isa at hindi na makita pa ni Russell si Alfred.

"Nasaan na si Alfred!??" Sunod ang pagmasid-masid ni Russell sa likuran nito, "Alfreeedd!!!"

Gusto pa mang hanapin ni Russell si Alfred ay mukhang malabo nang mangyari yun dahil sa biglaang bagsakan nang mga mas malalaking bato, bago pa tuluyang matabunan si Russell ay tumakbo na ito at alis sa gusali.

                     

                                                                                               ** ** ** ** ** ** ** **

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon