Chapter Three : The Friendly Ghost

113 7 0
                                    

“Ingat ka Russell!” Sabay ang pagkaway nito habang papalayo si Russell.

Nang makalayo si Russell ay naupo muna si Clara sa harap nang gusali nang biglaang may nagsalita;        

“Sigurado kaba talaga sa ginagawa mo Clara?”

Napatingin si Clara sa likod niya, Isang batang lalaki ang papalabas nang gusali.

“Pagtapos magpakita sa tao ay isa nanamang nilalang ang kinakaibigan mo. Ngunit para saan ang mga ito Clara?”    

            Alis nang tingin ni Clara sa batang lalaki, “Alam mo ang kasagutan sa mga tanung na yan Naithan. Alam mong matagal na panahon ko nang gustong gawin ito. Marami narin akong nakilala. Nakausap. Pero wala sa kanila ang nakapagpalaya sa kaluluwa ko. Alam mong lahat nang ito’y ayun sa plano”

            “Oo nga pala, lahat nang ito’y isang malaking pagbabalat kayo. Gusto mo na ba talaga akong iwan dito Clara?” Napalapit pa nang husto at naupo sa tabi ni Clara.

            “Lahat naman tayo ay iisa lang ang gugustuhin, at yun ay ang mapalaya na dito” Tumingin sa batang lalaki.

            “Ngunit paano kung hindi siya ang iniintay mo? Paano kung isa lang siya sa mga taong kagaya nang mga nauna?” Ganting tingin nito kay Clara

            Binawi ni Clara ang tangkang pagtingin sa bata at muling nagsalita. “Alam mong hindi din naman ako titigil Naithan, alam mong hindi ko kayang tumigil”

            “Ngunit hindi naman lingid sa iyong kaalaman na nang huli mong beses itong gawin ay napahamak na tayo, tama ba?”

            “Alam ko yun Naithan, at pinapangako kung magiingat na nang husto”

            Muling napatayo ang bata, “Tirahan na natin ang gusaling ito. Matagal na tayong naninirahan dito. At pag nawala ito dahil sa kagustuhan mong maisalba ang kaluluwa mo, isa ako sa maaapektuhan Clara, lahat tayo ay tuluyan nang mababaon sa mundong ilalim at ang pinapangarap nang bawat isang katahimikan ay magiging isa nalamang pangwalang hanggang kagustuhan”

            Tila may puang nang galit sa bawat salita ni Naithan. Ayaw niya nang humarap pa kay Clara.

            “Nauunawaan ko Naithan” Nalungkot.

            “At nauunawaan ko ang kagustuhan mo. Nauunawaan kita. Pero sana unawain mo rin ang mga naninirahan sa lugar na ito, kapahamakan ang dala nang tao sa atin!” Pabalang na wika ni Naithan sabay ang unti-unting pagkawala.

            Nalungkot si Clara at dahan-dahan ding naglaho na parang may isang malaking usok na bumalot sa kabuoan niya, nasundan pa ito nang isang napakalakas na hangin na humawi sa usok. Nagliparan ang mga dahong tuyot sa lupa at kasunod ang padabog sa pinto nang gusaling agarang sumara.    

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon