Chapter Twenty One : Unfriended

28 4 0
                                    



"Handa ka na ba?" Habang nakatingin kay Alfred nang deretso.




"Wait! Pangako mo muna sa akin, don't mess anything! Just do what you have to do!"




"Ok. I Promise" Sunod ang paghampas ni Tyson sa ulo ni Alfred nang isang bato.




Tumama ang bato sa may ulo nito na naging sanhi upang bumagsak ito at mawalan nang malay. Isang que naman iyon para isagawa at ipagpatuloy na muli ni Tyson ang misyong kailangan niyang gawin.


Seryosong umalis si Tyson dala-dala ang pursigidong imosyon sa katawan ni Alfred.


Nang makalabas nang tuluyan sa kakahuyan ay wala nang sinayang na oras pa si Tyson at ipinagpatuloy ang paghahanap sa kaibigan niyang si Maui. Umakyat sa taas, bumama at lumibot hanggang sa ground pero walang Maui siyang natagpuan.




"Nasaan ka na ba?!!" Problemadong may pagkairitable na rin.




Tila Sa paghahanap ay nakaramdam na rin nang hustong uhaw si Tyson kaya naman nang mapadaan ito sa cafeteria ay sumaglit muna ito para uminom, kumuha nang baso at isinahod sa may pawntain, nang mapuno ay ininom na agad ni Tyson ang tubig at kumuha pa ulit nang isa sabay ang alis. Nang makaalis ay biglaang may tumawag nang kanyang pangalan,




"Tyson!!"




Napalingon ito sa pagaakalang siya ang tinutukoy nang tawag na iyon ngunit pagharap niya ay kapangalan niya lang pala ang tinutukoy nito. *At isa pa wala siya sa katawan niya kaya kung tatawagin man siya ay sa pangalan ni Alfred at hindi sa pangalan niya*


Nang mapabalik ang tingin sa paglalakad ay isang umaarangkadang lalaki ang biglaang nakabungguan nito, natabig nito ang basong may laman na tubig at agad na tumapon sa polo nang lalaking nagmamadali.



"Shiiiit!"Tingin sa polo'ng nabasa nang tubig. "Anu bang problema mo!" Sabay ang tulak nito.



Nang mapatingin si Tyson sa lalaki ay agad nanlaki ang mata nito, "Maui!!? Tol!" Sabay ang pagkabig nang likuran nito.



Nagtatakang napatingin si Maui,"Hoy!! Wag mo nga akong matapik-tapik!" Hawi nang kamay ni Tyson.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon