Chapter One : The Abondoned Place

247 9 0
                                    

January, 2015

“Time out muna Maestro” Sabay ang pagpatong ng Violin sa lamesa nang binatang si Russell.

“Basta’t Bilisan mo lamang, Lulubog na ang araw at may ituturo pa ako sayo na dapat mung pagaralan para sa nalalapit na presentasyon” Hinto ng pagkumpas at kuha ng Violin sa lamesa.

“Yes, Maestro Cezar”

“Saglit lang Russel, ngunit saan mo naman nais magtungo?”

“I need some break, Maestro. Kanina pa po kasi ako pinagpapawisan”

“Hindi naman lingid sa iyong kaalaman na hindi ako sanay sa wikang banyaga. At kung maaari ay iwasan mo ang paggamit niyan kahit sa aking harapan lamang”

Sanay si Maestro Cezar na magsalita nang wikang Filipino, kaya naman kadalasang ang mga nabibigkas nitong salita ay matatalinhaga o malalalim na filipino.  Ngunit dahil sa pagiging anak mayaman ni Russell at sa kasanayan nitong magsalita nang ingles ay nagiging kumplikado ang kumunikasyon nang dalawa sa isa’t isa sa paminsan-minsang pagkakataon. 

“Ay nakalimutan ko Maestro, Sorry po”

“Nauunawaan ko. Ang mga kabataan ngayon ay nakagawian na ang gumamit nang ibang klaseng salita. Iba’t iba at sari-sari na nakakagulo lamang”

“Ganun po siguro talaga, Maestro” Seryosong sambit ni Russell, “Tumatakbo ang panahon, ang mahuli—Taya!” bawing biro nito.

Napangiti nalang si Maestro, “Oh sya, sige, makakaaalis kana Russell. Naalala ko na may kailangan pa akong pagkaabalahan. Bukas na natin ipagpatuloy ang naumpisahang ensayo.”

“Yes!” Tuwang-tuwa na bulong. “Sige po Maestro, Salamat po!” at saka umalis.

Nakaharap sa bintana habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa likuran at malalim na pinagmamasdan papalayo si Russell.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon