Chapter Twenty Eight : Frienemy

25 5 0
                                    

                                              

Unang naging magkaibigan si Eunice at Clara. Elementary palang ay malapit na sila sa isa't isa, walang tinatagong sekreto, daig pa ang tunay na magkapatid. Kung nasaan ang isa ay tiyak na naruruon rin ang isa pa, wala na atang makakapaghiwalay pa sa kanila.


Hanggang sa dumating si Alyssa sa buhay nang dalawa, ang step-sister ni Clara. Dahil duon ay nahati ang atensyon ni Clara sa dalawang babaeng malapit sa kanya, Di naglaon ay napalitan na ang samahan nina Clara at Eunice at mas nangibabaw ang samahan ni Clara at Alyssa.


Hindi man sinasadya ni Clara ay tuluyan nang naitsapwera si Eunice.


Naging isang mistulang magkapatid na nga sina Clara at Alyssa, at hindi ito nagugustuhan ni Eunice. Para sa kanya ang samahan nila ang mas maganda, para sa kanya siya lang dapat ang maging kaibigan ni Clara.


Naging obsessed si Eunice sa kagustuhang' siya lang ang maging kaibigan ni Clara.


Dahil sa pangyayari ay isang natutulog na sakit ang nagpagising sa panibagong pagkatao ni Eunice. Nagiba ang mga kilos nito maging ang ugali niya. Isang medical condition na mas kilala sa tawag na MPD o Multiple Personality Disorder, isang disorder na taglay niya mula pa nung pagkabata ang unti-unting kumaen sa pagkatao niya. Isang disorder sa utak kung saan nagbibigay sa kanya nang mood swings at iba't-ibang characteristics lalo na pagnakakaramdam nang matinding pagkadipress.


Ginawa ni Eunice ang lahat para mas maging malapit muli sila ni Clara, pero hindi ito nakuntento sa kalahati nang oras na binibigay ni Clara para sa kanya. Kahit anung gawin niya ay hindi niya magawang magtagumpay. Kaya naman naisip nito na kung hindi niya kayang maibalik ang samahan nila ay unti-unting niya nalang lalamatan ang samahan ni Clara at Alyssa.


Dahil sa kagustuhan niyang paghiwalayin ang dalawa ay siniraan ni Eunice si Clara kay Alyssa at si Alyssa kay Clara. Nagkataon pa nang parehas na mahulog ang loob nila sa iisang lalaki—si Peter Cezar.


Naging magandang hudyat naman ito para kay Eunice na mas pailalimin pa ang bitak na sumisira sa samahan nang dalawa. Inimpluwensiyahan nito si Alyssa na maging masamang kapatid kay Clara. At ganun din Sana si Clara kay Alyssa, ngunit masyadong mabait si Clara, masyadong mapagkumbaba at pasensyosang dalagita. Kaya imbes na gumawa nang paraan para gumanti ay lagi siyang nakikipagkumbaba sa tinuturing niyang kapatid.


Naiinis si Eunice, hindi niya alam kung papaano niya mapaghihiwalay ang dalawa dahil sa kabaitan ni Clara.


Habang tumatagal ay lalo din namang tumitindi ang pagiging kakaiba sa ugali ni Eunice, ang dating kabaitang taglay ay unti-unti nang nababago, ang dating pahapyaw na masamang ugali ay padalas na nang padalas. Dahil sa kundisyon niyang ito kaya naman maaari siyang maging napakabait gaya nang isang maamoong tupa, pero ang kasamaang dala naman nito ay kaya niya ring maging napakasamang nilalang sa mundo at makapatay.  


Sa pagkakataong ito ay mas nangingibabaw sa kanya ang galit dala nang pagseselos.


Sa wakas ay nagtagumpay na si Eunice, unti-unti ay nasisira na ang samahan nina Clara at Alyssa. Unti-unti ay nagaaway na ito at ang madalas nilang pagtalunan ay ang atensyon ni Peter, ang lalaking parehas nilang gusto.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon